Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lmd aralin 2
  • Natural

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natural
  • Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Ginawa ni Felipe
  • Ang Matututuhan Natin kay Felipe
  • Tularan si Felipe
  • Felipe—Isang Masigasig na Ebanghelisador
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagpapasimula ng Pag-uusap Para Makapagpatotoo Nang Di-pormal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Felipe
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • May Interes sa Kausap
    Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
Iba Pa
Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
lmd aralin 2

PAGPAPASIMULA NG PAKIKIPAG-USAP

Si Felipe na ebanghelisador na nakikipag-usap sa lalaking Etiope na nakaupo sa karwahe at nagbabasa ng balumbon.

Gawa 8:​30, 31

ARALIN 2

Natural

Prinsipyo: “Ang salitang sinabi sa tamang panahon—napakabuti nito!”—Kaw. 15:23.

Ang Ginawa ni Felipe

Si Felipe na ebanghelisador na nakikipag-usap sa lalaking Etiope na nakaupo sa karwahe at nagbabasa ng balumbon.

VIDEO: Nangaral si Felipe sa Mataas na Opisyal na Etiope

1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Gawa 8:​30, 31. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:

  1. Paano sinimulan ni Felipe ang pakikipag-usap sa Etiope?

  2. Bakit natin masasabing natural na paraan ito ng pagpapasimula ng pakikipag-usap at pagtuturo ng bagong impormasyon sa lalaki?

Ang Matututuhan Natin kay Felipe

2. Kung hahayaan nating maging natural ang pag-uusap, malamang na maging palagay ang loob niya at pakinggan ang mensahe natin.

Tularan si Felipe

3. Magmasid. Marami tayong malalaman sa ekspresyon ng mukha ng isang tao at sa mga kilos niya. Sa tingin mo, gusto ba niyang makipag-usap sa iyo? Puwede mong ipasok ang isang paksa tungkol sa Bibliya kung itatanong mo, “Alam mo bang . . . ?” Huwag mo siyang piliting makipag-usap kung ayaw niya.

4. Magtiyaga. Huwag mong isiping dapat mong ipasok agad ang Bibliya sa usapan. Maghintay ng tamang pagkakataon para natural mong maipasok iyon. Baka nga magawa mo iyan sa susunod pa ninyong pag-uusap.

5. Makibagay. Hindi mo alam kung saan puwedeng mapunta ang usapan. Kaya bumanggit ng isang paksa na makakatulong sa kausap mo, kahit hindi iyon ang pinaghandaan mo.

TINGNAN DIN

Ecles. 3:​1, 7; 1 Cor. 9:22; 2 Cor. 2:17; Col. 4:6

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share