Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w20 Setyembre p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Dapat Maging Saloobin ng mga Kristiyano Tungkol sa Kalayaan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Tagapamahala
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Pamahalaan
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
w20 Setyembre p. 31
Paglalarawan kay Jehova na nakaupo sa tronong esmeralda at napapalibutan ng mga anghel. May makikinang na kislap ng liwanag sa palibot ng trono.

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Ang tinutukoy ba sa Eclesiastes 5:8 ay mga tagapamahalang tao o si Jehova?

Sinasabi sa tekstong ito: “Kung nakita mong inaapi ang dukha at binabale-wala ang hustisya at katuwiran sa inyong distrito, huwag mong ikagulat iyon. Dahil ang mataas na opisyal ay binabantayan ng isang nakatataas sa kaniya, at mayroon pang mga mas nakatataas sa kanila.”​—Ecles. 5:8.

Sa unang tingin, parang tumutukoy lang ito sa mga opisyal ng gobyerno. Pero kung pag-iisipang mabuti, mayroon din itong itinuturo tungkol kay Jehova, na talagang magpapatibay sa atin.

Tumutukoy ang Eclesiastes 5:8 sa isang tagapamahala na nang-aapi ng dukha at hindi patas. Dapat tandaan ng tagapamahala na malamang na binabantayan siya ng isang opisyal na mas mataas sa kaniya o mas may awtoridad sa kaniya sa gobyerno. At baka nga may mas mataas pa sa kanila. Nakakalungkot, sa gobyerno ng tao, baka tiwali ang lahat ng tagapamahalang ito, kaya nagdurusa ang mga nasasakupan nila.

Pero sa kabila ng ganitong sitwasyon, mapapatibay tayo kung iisipin nating ‘binabantayan ni Jehova kahit ang matataas na opisyal’ sa gobyerno ng tao. Puwede tayong humingi ng tulong sa Diyos at ihagis sa kaniya ang pasanin natin. (Awit 55:22; Fil. 4:6, 7) Alam nating “ang mga mata ni Jehova ay nagmamasid nang mabuti sa buong lupa para ipakita niya ang kaniyang lakas alang-alang sa nagbibigay ng buong puso nila sa kaniya.”​—2 Cro. 16:9.

Kaya ipinapaalala sa atin ng Eclesiastes 5:8 ang totoong sitwasyon ng mga nasa gobyerno—laging may nakatataas sa kanila. Pero higit sa lahat, ipinapaalala sa atin ng tekstong ito na si Jehova ang pinakamataas sa lahat—ang Kataas-taasang Awtoridad. Namamahala na siya ngayon sa pamamagitan ng kaniyang Anak na si Jesu-Kristo, ang Hari ng Kaharian. Talagang makatarungan ang Kataas-taasan, na nagbabantay sa lahat, at gayon din ang kaniyang Anak.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share