Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Maligayang pagdating.
Pantulong ito sa pagsasaliksik sa mga publikasyon sa iba't ibang wika na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Para makapag-download ng publikasyon, magpunta sa jw.org.
Patalastas
Bagong wikang available: Betsileo
  • Ngayon

Lunes, Oktubre 27

Dapat mahalin ng mga asawang lalaki ang kanilang asawang babae na gaya ng sarili nilang katawan.​—Efe. 5:28.

Inaasahan ni Jehova sa isang brother na mahalin ang asawa niya at ilaan ang pisikal, emosyonal, at espirituwal na pangangailangan nito. Makakatulong sa iyo ang kakayahang mag-isip, respeto sa mga babae, at pagiging maaasahan, para maging mabuting asawa. Kapag nag-asawa ka na, puwede kang magkaroon ng anak. Ano ang matututuhan mo kay Jehova sa pagiging mabuting ama? (Efe. 6:4) Hayagang sinabi ni Jehova sa Anak niyang si Jesus na mahal Niya siya at sinasang-ayunan. (Mat. 3:17) Kung sakaling magkaroon ka ng mga anak, lagi mong sabihin at ipadama sa kanila na mahal mo sila. Lagi mo silang purihin sa magagandang bagay na nagagawa nila. Kung tutularan ng mga tatay si Jehova, matutulungan nila ang mga anak nila na maging mahuhusay na Kristiyano. Magiging handa ka sa pananagutang ito kung ngayon pa lang, mamahalin mo na ang mga kapamilya at kakongregasyon mo at sasabihin mo sa kanila na mahal mo sila at pinapahalagahan.​—Juan 15:9. w23.12 28-29 ¶17-18

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025

Martes, Oktubre 28

[Si Jehova] ang magpapatatag sa iyo.​—Isa. 33:6.

Kahit tapat na lingkod tayo ni Jehova, nagkakasakit din tayo at nagkakaroon ng mga problema gaya ng ibang tao. Baka sinasalansang din tayo o pinag-uusig ng mga taong galit sa bayan ng Diyos. Kahit pinapahintulutan ni Jehova ang mga ito, nangangako siya na tutulungan niya tayo. (Isa. 41:10) Dahil diyan, nakakagawa tayo ng tamang mga desisyon at nakakapanatili tayong masaya at tapat kahit mahirap ang sitwasyon. Ipinapangako ni Jehova na bibigyan niya tayo ng “kapayapaan ng Diyos.” (Fil. 4:​6, 7) Tumutukoy ito sa kapayapaan ng isip at pagiging panatag natin dahil sa magandang kaugnayan natin sa kaniya. “Nakahihigit [ito] sa lahat ng kaisipan”; mas kahanga-hanga ito kaysa sa anumang maiisip natin. Nanalangin ka na ba nang marubdob kay Jehova at pagkatapos, naging kalmado ka na? Iyon ang “kapayapaan ng Diyos.” w24.01 20 ¶2; 21 ¶4

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025

Miyerkules, Oktubre 29

Pupurihin ko si Jehova; pupurihin ng buong pagkatao ko ang kaniyang banal na pangalan.​—Awit 103:1.

Gusto ng mga taong nagmamahal kay Jehova na purihin ang pangalan niya nang buong puso. Alam ni Haring David na kapag pinupuri niya ang pangalan ni Jehova, si Jehova mismo ang pinupuri niya. Kapag naririnig natin ang pangalan ni Jehova, naiisip natin ang magaganda niyang katangian at mga ginawa. Gusto ni David na purihin at pabanalin ang pangalan ng kaniyang Ama. Gusto niyang gawin iyon nang “buong pagkatao” niya—ibig sabihin, nang buong puso. Nanguna rin ang mga Levita sa pagpuri kay Jehova. Mapagpakumbaba sila, at inamin nila na hindi sapat ang mga salitang sinabi nila para mapapurihan ang banal na pangalan niya. (Neh. 9:5) Dahil sa ganiyang mga papuri, siguradong napasaya nila si Jehova. w24.02 9 ¶6

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025
Maligayang pagdating.
Pantulong ito sa pagsasaliksik sa mga publikasyon sa iba't ibang wika na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Para makapag-download ng publikasyon, magpunta sa jw.org.
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share