‘Dalhin Mo ang Balabal’
Habang nakabilanggo si Pablo sa Roma, sumulat siya kay Timoteo: “Dalhin mo rin dito ang balabal na iniwan ko . . . sa Troas.” (2Ti 4:13) Ang salitang Griego para sa “balabal” ay malamang na tumutukoy sa uri ng balabal na ginagamit sa paglalakbay, gaya ng makikita sa larawan. Napakahalaga ng ganitong balabal noong unang siglo C.E. Pinoprotektahan nito ang isa kapag malamig o maulan. Kadalasan nang gawa ito sa lana, lino, o katad, at may panakip din ito sa ulo. Puwede rin itong magsilbing kumot kapag malamig sa gabi. Malapit na ang taglamig noong isinusulat ni Pablo ang liham na ito; posibleng ito ang dahilan kaya nakiusap siyang dalhin sa kaniya ang balabal niya.—2Ti 4:21.
Kaugnay na (mga) Teksto: