Mga Gawa ng mga Apostol—Paglalakbay ni Pablo sa Roma at Unang Pagkabilanggo Niya Doon (Gaw 27:1–28:31)
Inilista ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod
1. Pagkatapos mabilanggo nang dalawang taon sa Cesarea, naglayag si Pablo, na isa pa ring bilanggo, papuntang Roma (Gaw 27:1, 2)
2. Nakarating sa Sidon si Pablo at ang mga kasama niya; pinayagan si Pablo na makipagkita sa mga kapatid doon (Gaw 27:3)
3. Sumakay si Pablo sa isang barko na naglayag malapit sa Ciprus at pumalaot sa tapat ng Cilicia at Pamfilia at dumaong sa Mira sa rehiyon ng Licia (Gaw 27:4, 5)
4. Sa Mira, sumakay si Pablo sa barkong may kargang butil mula sa Alejandria; dahan-dahang naglayag ang barko papuntang Cinido at nagkubli sila malapit sa Creta sa may Salmone (Gaw 27:6, 7)
5. Nagpatuloy sa mahirap na paglalayag si Pablo at ang mga kasama niya sa may baybayin ng Creta at nakarating sila sa Magagandang Daungan (Gaw 27:8)
6. Nagtagal ang barko sa Magagandang Daungan; umalis sila sa Magagandang Daungan papuntang Fenix, na daungan sa Creta (Gaw 27:9-13)
7. Sandali pa lang na naglalayag ang barko, hinampas na ito ng napakalakas na hangin mula sa hilagang-silangan, ang Euroaquilo; natangay ang barko (Gaw 27:14, 15)
8. Mabilis na naglayag ang barko malapit sa isla ng Cauda; natakot ang mga mandaragat na sumadsad ang barko sa Sirte (Gaw 27:16, 17)
9. Nagpakita ang isang anghel kay Pablo at sinabi na haharap siya kay Cesar; tiniyak ni Pablo sa mga naglalayag na makakaligtas silang lahat (Gaw 27:22-25)
10. Nawasak ang barko sa Malta (Gaw 27:39-44; 28:1)
11. Nagpakita ng pambihirang kabaitan ang mga taga-Malta; pinagaling ni Pablo ang ama ni Publio (Gaw 28:2, 7, 8)
12. Sumakay si Pablo sa isang barko mula sa Alejandria na nagpalipas ng taglamig sa Malta; naglayag si Pablo papuntang Siracusa at Regio (Gaw 28:11-13a)
13. Dumating si Pablo sa Puteoli; malugod siyang tinanggap ng mga kapatid doon (Gaw 28:13b, 14)
14. Ang mga kapatid sa Roma ay nakipagkita kay Pablo sa Pamilihan ng Apio at Tatlong Taberna (Gaw 28:15)
15. Dumating si Pablo sa Roma; pinayagan siyang manatili sa isang bahay na may kasamang sundalo (Gaw 28:16)
16. Kinausap ni Pablo ang mga Judio sa Roma; dalawang taon siyang lakas-loob na nangaral sa lahat ng dumadalaw sa kaniya (Gaw 28:17, 18, 21-31)