Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 1/8 p. 32
  • ‘Pinupunan Nito ang Pangangailangan’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Pinupunan Nito ang Pangangailangan’
  • Gumising!—2001
Gumising!—2001
g01 1/8 p. 32

‘Pinupunan Nito ang Pangangailangan’

Iyan ang sinabi ng isang babaing taga-Osaka, Hapon, hinggil sa aklat na Is There a Creator Who Cares About You? Sumulat siya:

“Tinuturuan ng aklat na ito ang isa na makilala ang Maylalang sa pamamagitan ng sangnilalang at ng Bibliya. Hanggang sa kabanata 5, isinasaalang-alang nito ang sari-saring mga katotohanan hinggil sa mga bagay na nilalang at ipinakikita na may batas at kaayusan na mapapansin sa mga ito, anupat nagpapahiwatig na kailangan ang isang talino para malalang ang mga ito.

“Noon pa’y gusto ko nang magkaroon ng materyal na nagpapaliwanag nang mas detalyado sa mga kahanga-hangang bagay sa sangnilalang. Pinupunan ng aklat na ito ang pangangailangan. . . . Nang binabasa ko ang tungkol sa pagtutulungan ng mga protina at mga molekula ng nucleic acid na nasa mga selula, nadama kong ang kaeksaktuhan ng kaayusang ito ay talagang isang himala.”

Bunga ng pagbabasa sa Is There a Creator Who Cares About You? marami ang napakilos na mag-isip nang higit pa tungkol sa kung paano tayo napunta rito at sa layunin ng buhay. Maaari kang humiling ng isang kopya ng 192-pahinang aklat na ito kung iyong pupunan ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyong inilaan o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Is There a Creator Who Cares About You?

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

[Dayagram sa pahina 32]

Kahit ang isang sulyap sa masalimuot na daigdig at sa komplikadong mga gawain ng bawat selula ng katawan ay aakay sa tanong na, Paano lumitaw ang lahat ng ito?

[Picture Credit Line sa pahina 32]

“Pillars of Creation” sa pabalat ng aklat: J. Hester and P. Scowen (AZ State Univ.), NASA

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share