Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 2/22 p. 32
  • Pagtulong sa mga Tao na Madaig ang mga Hamon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagtulong sa mga Tao na Madaig ang mga Hamon
  • Gumising!—2001
Gumising!—2001
g01 2/22 p. 32

Pagtulong sa mga Tao na Madaig ang mga Hamon

ANG tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Sri Lanka ay tumanggap ng isang sulat mula sa kalihim ng Youth and Human Resources Development Society, Eastern Province. Humiling ang kalihim ng partikular na lumang mga labas ng Gumising! at nagsabi:

“Nasumpungan ko at ng aking mga kasamahan na ang mga magasing ipinadala ninyo sa akin ay nakapagtuturo, nagbibigay-kaalaman, at nakagaganyak at ito rin ay makatuwiran at nakakakumbinsi. Ang mga magasin ay hindi nagpapalaganap ng Kristiyanong doktrina na may anumang masamang motibo, gaya ng may kamaliang sinasabi ng ilan. Para sa akin, napakahusay na literatura ang mga ito.

“Dumarami ang humihiling ng mga kopya ng Gumising! (kapuwa bago at lumang mga kopya), at talagang may pahiwatig na patuloy na darami ang kahilingang ito sa darating na mga buwan. Ang mga artikulo sa inyong mga magasin ay nagbibigay ng kaalaman para sa mga may-edad na, kabataan, at mga bata. Nakatutulong ang mga ito upang madaig ang mga hamon sa kasalukuyan at sa hinaharap na lumilitaw dahil sa sekularismo.”

Sa buong kasaysayan, hindi pa kailanman napaharap ang lahat ng tao sa mga hamon na gaya ng napapaharap sa kanila sa ngayon. Marami ang lalung-lalo nang nag-iisip kung ano ang nakalaan para sa kanila sa hinaharap at kung may Diyos ngang nagmamahal sa kanila. Ang gayong mga katanungan ay sinagot sa kasiya-siyang paraan sa brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? Maaari kayong humiling ng isang kopya kung pupunan at ihuhulog sa koreo ang kasamang kupon sa direksiyon na ipinakita sa kupon o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share