Humanga sa Pagiging Makatotohanan ng mga Ito
ISANG PROPESOR SA PAMANTASAN sa Espanya ang sumulat sa tanggapang pansangay ng Samahang Watch Tower sa kaniyang bansa upang ipahayag ang kaniyang pagpapahalaga sa Gumising! Ipinaliwanag niya:
“Kamakailan ay natanggap ko ang dalawang kopya ng inyong babasahing Gumising! Nasumpungan ko na naglalaman ang mga ito ng kawili-wiling mga artikulo na may iba’t ibang paksa. Hindi ako kabilang sa anumang relihiyon, ngunit napahalagahan ko kung gaano ang pagiging makatotohanan ng publikasyon. Mayroon din itong napakagandang presentasyon, at tinatalakay nito ang mga paksa sa paraang walang-kinikilingan at ayon sa siyensiya. Binabati ko kayo dahil sa mga pagsisikap ninyo.”
Sa marami nitong artikulo, tinitipon ng Gumising! ang sari-saring katibayan mula sa iba’t ibang larangan ng siyensiya na tumutulong sa mga mambabasa nito na makagawa ng may-kabatirang mga konklusyon. Ang gayong pamamaraan ay ginamit din sa 32-pahinang brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan? Halimbawa, sa ilalim ng mga subtitulong “Ang Buhay ba ay Nagkataon Lamang?” at “Ang Disenyo ay Nangangailangan ng Isang Disenyador,” ang katibayan na may kaugnayan sa paksa ay iniharap ng kilalang mga awtoridad sa mga larangan ng astronomiya, microbiology, at pisika.
Maaari mong hilingin ang brosyur na ito, Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan?, kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyon na ipinakikita sa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong magkaroon ng kopya ng brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Galaksi: Courtesy of Anglo-Australian Observatory, photograph by David Malin