“Pagsisikip ng Planeta”—Mayroon Bang Solusyon?
Ang populasyon ng daigdig ay umabot sa tatlong bilyon noong 1960. Pagsapit ng taóng 2000, ang bilang na iyan ay nadoble. “Ang bilang ng sangkatauhan ay tumataas sa bilis na limang bagong silang na sanggol bawat segundo,” ayon sa pahayagang Vancouver Sun. Ang daigdig ngayon ay may 23 napakalalaking lunsod na may populasyon na mahigit sa sampung milyong mamamayan, at pagsapit ng 2025, ang populasyon ng daigdig ay inaasahang aabot sa sampung bilyon!
Nagpahayag ng pagkabahala ang mga siyentipiko sa pinsalang maidudulot ng gayong paglago sa dati nang maselan na sistema ng ekolohiya ng lupa. Bawat bagong mamamayan ng daigdig ay nangangailangan ng pagkain, tubig, at tirahan, at habang lumalaki ang populasyon, dumarami ang nauubos na panustos at ang nalilikhang basura. Ang hamon ay ang pangangasiwa sa di-makontrol na paglawak ng napakalalaking lunsod. Ayon sa Sun, ‘inuubos ng napakalalaking lunsod na ito ang mga yaman mula sa malalawak na lalawigan at lumilikha ng napakaraming nakalalasong mga basura.’
Mayroon bang solusyon sa tinaguriang “pagsisikip ng planeta?” Nakatutuwa naman, nangangako ang Bibliya na makikialam ang Diyos sa mga gawain ng tao. Alamin kung paano niya gagawin ito at kung ano ang magiging resulta. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagkuha ng aklat na Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan. Inaanyayahan ka namin na humiling ng isang kopya sa pamamagitan ng pagsulat sa kalakip na kupon at paghuhulog nito sa koreo sa direksiyon na ipinakikita sa kupon o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng aklat na Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.