Ang Hamon ng Pangangalaga sa mga Bata
Ang Britanya ay isang mayamang bansa sa Kanluran. Subalit, tinataya na taun-taon ay mahigit sa 100,000 bata sa bansang ito—dalawang beses na kasindami ng dating ipinalagay na bilang—ang naglalayas. Bunga nito, 1 sa 7 ang nakararanas ng karahasan o seksuwal na panghahalay.
“Kapag nadarama ng mga bata na sila’y hindi minamahal at itinatakwil, waring ang paglalayas ay parang isang solusyon,” ang sabi ni Ian Sparks, punong tagapagpaganap ng Children’s Society, na nagsasabi pa: “Ang suliraning ito ay nakaaapekto sa mga batang nagmula sa lahat ng kalagayan sa buhay—halos pare-parehong naglalayas ang mga batang nagmula sa mararangyang kapaligiran at ang mga batang nakatira sa mahihirap na lugar.”
Mabigat na pananagutan ang pangangalaga at pagsasanay sa mga bata. Saan makakakuha ng tulong? Ginawa ang publikasyong Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya upang matugunan ang pangangailangang ito. Kalakip sa 16 na kabanata nito ang: “Sanayin ang Iyong Anak Mula sa Pagkasanggol,” “Tulungan ang Iyong Anak na Tin-edyer na Sumulong,” at “Ipagsanggalang ang Iyong Pamilya sa mga Mapaminsalang Impluwensiya.” Ang lahat ng 16 na kabanata sa aklat ay naglalaman ng praktikal na payo at, higit na mahalaga, ginagamit ang Bibliya bilang pinagmumulan ng karunungang nakatataas sa atin.
Maaari kang humiling ng isang kopya ng Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya kung pupunan mo at ihuhulog ang kalakip na kupon sa direksiyong nakasulat sa kupon o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.