Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 9/22 p. 32
  • Dumating ang Artikulo sa Tamang Panahon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dumating ang Artikulo sa Tamang Panahon
  • Gumising!—2001
Gumising!—2001
g01 9/22 p. 32

Dumating ang Artikulo sa Tamang Panahon

“IBIG ko kayong pasalamatan sa artikulo na ‘Mga Batik sa Harap ng Iyong mga Mata?’ na nasa Hunyo 8, 2000, labas ng Gumising!” ang sulat ni Gloria, na nakatira sa Quebec, Canada. “Sa loob ng ilang taon na ngayon, napansin ko ang maliliit na batik subalit sinabihan ako na ito’y normal. Nitong huli ay mas marami na akong nakikita, at talagang nabahala ako.

“Sinabi ng artikulo na kung mapansin mong dumarami ang mga batik, makabubuti na magpatingin ka sa mata. Iyan ang ginawa ko. Nagpatingin ako sa isang optalmologo, at natuklasan niyang may punit ang aking retina. Inirekomenda ng doktor ang maliit na operasyon sa pamamagitan ng laser at sinikap niyang ipaliwanag sa akin ang pamamaraan. Ipinakita ko sa kaniya ang larawan ng mata sa pahina 24 ng Gumising! Ginamit niya ang larawan upang ipaliwanag sa akin ang mga bagay at pagkatapos ay tiningnan niya ang pabalat at sinabi, ‘Ah​—Gumising!’ at itinago ang magasin sa kaniyang salansan.

“Tagumpay naman ang operasyon, at masayang-masaya ako. Dahil sa Gumising! ay nalaman ko sa tamang panahon ang punít na himaymay, dahil kung hindi ay mas madali sanang nabaklas ang aking retina.”

Bagaman ang Gumising! ay hindi medikal na babasahin, malimit na kalakip dito ang nakapagtuturong mga ulat tungkol sa kalusugan at medisina. Bagaman hindi maibibigay sa atin ng pinakamahusay na paraan ng paggamot ang sakdal na kalusugan, ganiyan ang ibinibigay na katiyakan ng Maylalang ng katawan ng tao. Paano niya nilalayong pagalingin ang sangkatauhan? Mapagkakatiwalaan ba ang kaniyang mga pangako?

Masusumpungan mo ito at ang iba pang mga katanungan na sinasagot sa 32-pahinang brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? Lalo kang masisiyahan na basahin ang bahagi 10, na pinamagatang “Ang Kahanga-hangang Bagong Sanlibutan na Gawa ng Diyos.” Maaari kang humiling ng brosyur na ito kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyong makikita sa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share