Kung Paano Iniligtas ng Gumising! ang Kaniyang Buhay
“AYAW kong patuloy na maging isang pabigat sa aking pamilya, kaya naipasiya kong pagpapatiwakal ang magiging lunas.” Gayon ang sulat ng isang lalaki sa Nepal. Ganito pa ang sabi niya: “Naghanda ako ng isang lubid at nagtakda ako ng lugar at petsa. Subalit isang linggo lamang bago ang araw na iyon, natanggap ko ang Pebrero 22, 2000, na labas ng Gumising!”
Ang seryeng itinampok sa pabalat para sa labas na iyon ay “Pagpapatiwakal—Sino ang Higit na Nanganganib?” Ang lalaki ay sumulat: “Kinailangan ko ang lahat ng lakas ko upang damputin ito at ang lahat ng lakas ng loob ko upang basahin ito. Ang paliwanag tungkol sa sampung sanhi ng panganib sa pagpapatiwakal ay lubhang nakaantig sa akin at nagpabago sa aking isipan.” Ganito ang kaniyang konklusyon: “Hindi ko mapigil na sabihin ang pagpapasalamat ko sa nagawa ninyo sa akin. Ang ginawa ninyong pagsulat ng artikulong ito ang nagligtas ng aking buhay!”
Maraming sanhi ang nasasangkot sa dumaraming pagpapatiwakal sa ngayon. Ang isa ay ang kawalan ng layunin sa buhay na nadarama ng napakarami. Ang brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan? ay nakatulong sa marami na maunawaang mayroon ngang pag-asa ng isang mas mabuting buhay. Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyong makikita sa kupon o sa isang angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.