Saan Matatagpuan ang mga Sagot?
Iyan ang itinatanong ng marami sa ngayon. Isang guro sa Novosibirsk, Russia, ang nagsabi na hindi madaling matagpuan ang mga sagot sa mga tanong na ibinabangon ng kaniyang mga estudyante hinggil sa Diyos at sa relihiyon. Ipinaliwanag niya sa isang liham:
“Isang araw, nang umuwi ako sa bahay, natuklasan ko ang isang maliit na tract na naiwan doon na pinamagatang ‘Kung Bakit Ikaw ay Makapagtitiwala sa Bibliya.’ Nagtuturo ako ng kasaysayan sa paaralan, at madalas na kinakailangan kong talakayin sa mga estudyante ang mga paksang gaya ng hinggil sa simbahan, sa Bibliya, at sa Diyos. Kung minsan ay napakahirap matagpuan ang mga sagot sa mga tanong ng mga bata.
“Noon, inakala ko na lumalapit lamang ang mga tao sa Diyos kapag may mga problema sila. Ngunit ngayon ay natitiyak kong hindi naman iyan talaga totoo. Itinatanong din ng isang tao: ‘Bakit ako pa? Sino ako? Saan ako galing? Saan ako mapupunta kapag namatay ako?’ Mahalaga na matagpuan ang mga sagot sa mga tanong na ito. Tila ang Bibliya ay nakapagbibigay ng nakakukumbinsing mga paliwanag.”
Nagtapos ang guro: “Sumulat ako dahil nais kong higit na matutuhan ang hinggil sa Bibliya at sa Diyos.”
Inaakay ng mga Saksi ni Jehova ang mga tao sa Bibliya para sa mga sagot sa kanilang mga tanong. Isaalang-alang ang aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan. Kasama sa 19 na kabanata nito yaong mga pinamagatang: “Sino ang Tunay na Diyos?,” “Bakit Tayo Tumatanda at Namamatay?,” at “Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?” Maaari kang humiling ng isang kopya ng pantulong sa pag-aaral ng Bibliya na ito na may 192 pahina kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyong binanggit sa kupon o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.