Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 12/22 p. 32
  • Ipinagmamalaki Niya ang Kaniyang Ama

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipinagmamalaki Niya ang Kaniyang Ama
  • Gumising!—2001
Gumising!—2001
g01 12/22 p. 32

Ipinagmamalaki Niya ang Kaniyang Ama

‘LALO kong ipinagmamalaki ang aking ama dahil dito!’ ang bulalas ng isang 12-taóng-gulang na babae sa isang sulat sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa India. Tinutukoy niya ang balitang “Mas Maliligaya ang Anak ng mga Amang Interesado,” sa pitak na “Pagmamasid sa Daigdig” ng Agosto 22, 1999, na Gumising! Iniulat nito ang konklusyon ng isang pagsusuri na kapag ang mga ama ay nagpapakita ng personal na interes sa kanilang mga anak, ang mga ito’y nagiging mga adultong lipos ng pagtitiwala at pag-asa.

Sinabi ng batang babae na nagpapasalamat siya na sila ng kakambal niyang babae ay pinagpalang magkaroon ng isang ama na nagpapakita ng gayong personal na interes sa kanila. Binanggit niya na nasisiyahan siya sa paraan ng pag-uulat ng Gumising! sa mga pangyayari sa daigdig, na sinasabi pang “ito’y isang lubhang kapaki-pakinabang na magasin para sa mga mag-aaral sa ngayon.”

Upang matulungan ang nababahalang mga pamilya na maharap ang pambihirang mga problemang nararanasan ng sangkatauhan sa ngayon, inilathala ng mga Saksi ni Jehova ang 192-pahinang aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Nagbibigay ito ng nakatutulong na patnubay sa bawat miyembro ng pamilya​—mga asawang lalaki, asawang babae, magulang, anak, lolo’t lola​—oo, sa lahat. Kabilang sa nakapagtuturong mga kabanata nito ang “Sanayin ang Iyong Anak Mula sa Pagkasanggol,” “Tulungan ang Iyong Anak na Tin-edyer na Sumulong,” “Ipagsanggalang ang Iyong Pamilya sa mga Mapaminsalang Impluwensiya,” at “Panatilihin ang Kapayapaan sa Inyong Sambahayan.”

Para sa iyong kopya, pakisuyong punan ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa direksiyon na nasa kupon o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito. Makikinabang ka mula sa espesipikong mga mungkahi na makatutulong sa iyo na lutasin ang mga problema at makatutulong na maging kalugud-lugod ang buhay pampamilya na siyang nilayon ng Maylalang.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share