“Naantig sa Pag-ibig na Ipinakita Niya”
Sa isang liham na ipinadala sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Yugoslavia, isang lalaki mula sa lunsod ng Nis ang sumulat:
“Nais kong samantalahin ang pagkakataong ito upang pasalamatan kayo. Araw-araw ay nagbabasa ako ng ilang kabanata sa Bibliya, at nalulugod akong gawin iyon. Nitong nakaraang mga araw ay binabasa ko na rin ang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Nais ko kayong pasalamatan sa gayong kahanga-hangang pantulong sa pag-unawa sa Bibliya. Ang lahat ng nasa brosyur ay ipinaliliwanag sa napakasimple at madaling unawaing paraan.
“Lalo nang kaakit-akit sa akin ang aralin na tumatalakay tungkol kay Jesu-Kristo. Ako ay naantig sa pag-ibig na ipinakita niya, na ibinigay ang kaniyang sakdal na buhay para sa mga tao na hindi man lamang niya kilala. Dapat na maunawaan ng lahat ang kaniyang hain at dapat na pahalagahan ito.”
Kami ay naniniwala na makikinabang ka rin sa pagbabasa sa 32-pahinang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Bukod sa kaakit-akit na aralin na “Sino si Jesu-Kristo?” masusumpungan mo pa ang iba, lakip na ang “Sino ang Diyos?,” “Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?,” at “Ano ang Kaharian ng Diyos?” Kung nais mong humiling ng isang kopya, punan mo ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa direksiyon na inilaan o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.