Debate sa Telebisyon Hinggil sa mga Saksi ni Jehova
Noong taóng 2000 at 2001, isang pagsalakay ang isinagawa laban sa mga Saksi ni Jehova sa bansa ng Georgia, isang dating republika ng Unyong Sobyet. Ipinalabas ng isang kilalang istasyon ng telebisyon sa Georgia ang isang debate sa pagitan ng isang pulitiko na siyang humiling na ipagbawal ang mga Saksi at ng isang propesor na inatasan ng korte upang lubusang pag-aralan ang literatura ng mga Saksi.
Palibhasa’y nasagot ang sunud-sunod na mga akusasyon may kinalaman sa mga paniniwala ng mga Saksi, binatikos ng propesor na ang mga sinasabi ng pulitiko ay “walang katibayan.” Pagkatapos ay sinabi niya: “Narito ang pinaniniwalaan ng mga Saksi ni Jehova,” habang itinataas niya ang isang kopya ng aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan upang makita ng mga nanonood sa telebisyon.
Pagkatapos ay binasa ng propesor ang unang parapo sa aklat, na nagtatapos sa mga pananalitang ito: “Gayunman, para sa marami, ang buhay ay waring naghaharap ng sunud-sunod na malulubhang suliranin. Kung iyan ang iyong nararanasan, lakasan mo ang iyong loob.”
Itinatawag-pansin ng publikasyong ito ang mga kasagutan ng Bibliya sa mga tanong ng maraming tao. Halimbawa, kabilang sa mga pamagat ng mga kabanata nito ang: “Sino ang Tunay na Diyos?,” “Bakit Tayo Tumatanda at Namamatay?,” at “Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?”
Gusto mo bang tumanggap ng isang kopya ng 192-pahinang aklat na ito para ikaw mismo ang magsuri? Makahihiling ka ng isang kopya nito kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa ibinigay na direksiyon o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.