Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 8/22 p. 32
  • Tinanggap Nilang Lahat Ito

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tinanggap Nilang Lahat Ito
  • Gumising!—2002
Gumising!—2002
g02 8/22 p. 32

Tinanggap Nilang Lahat Ito

Sa isang paaralan sa Basel, Switzerland, ipinatalastas ng isang guro na kailangang maghanda ang mga estudyante ng isang pahayag na 10 hanggang 15 minuto ang haba hinggil sa kahit na anong paksang mapili nila. Ang napiling paksa ng 15-taóng-gulang na si Rosi ay “Ang Iyong Kabataan​—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito.”

“Anong uri ng paksa ito?” ang tanong ng kaniyang mga kaklase. “Tatalakayin mo ba ang hinggil sa droga?”

“Malalaman na lamang ninyo,” ang tugon niya.

Nang matapos ang kaniyang pahayag, nagpalakpakan ang mga estudyante. Pagkatapos ay sinabi ni Rosi: “Talagang hindi sapat ang 15 minuto upang talakayin kung paano makakamit ng isa ang pinakamainam sa panahon ng kaniyang kabataan.” Kaya sinabi niya: “May regalo ako sa inyong lahat.” Binigyan niya ang bawat estudyante ng tig-iisang kopya ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas, lahat-lahat ay 20 aklat. Maganda ang pagkakabalot ng mga ito at nakasulat doon ang pangalan ng bawat kaklase niya.

May-pagpapahalagang tinanggap ng lahat ang aklat at nang maglaon ay napansin na sinusuri nila ang mga nilalaman nito, kabilang dito ang mga kabanatang tulad ng: “Papaano Ko Magagawang Mabigyan Ako ng Higit na Kalayaan ng Aking mga Magulang?,” “Papaano Ako Magkakaroon ng Tunay na mga Kaibigan?,” “Anong Karera ang Dapat Kong Piliin?,” “Tama Kaya ang Pagsisiping Muna Bago ang Kasal,” at “Papaano Ko Malalaman Kung Ito nga’y Tunay na Pag-ibig?”

Sa kabuuan, 39 ang mga kabanata. Upang magkaroon ng isang kopya ng aklat na ito, maaari mong punan ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa direksiyong ipinakita sa kupon o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share