Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 10/8 p. 32
  • Napahanga ang Guro ng Astronomiya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Napahanga ang Guro ng Astronomiya
  • Gumising!—2002
Gumising!—2002
g02 10/8 p. 32

Napahanga ang Guro ng Astronomiya

Napahanga sa ano? Sa aklat na Is There a Creator Who Cares About You? Isang guro ang sumulat buhat sa Novo-Sakmarsk, Russia, sa tanggapang pansangay sa bansang iyon. Kalakip sa paghiling ng karagdagang impormasyon, ganito ang paliwanag niya:

“Ilang araw na ang nakalipas, nagkataong nagkita kami ng isang dating kakilala ko, at nagpunta ako sa kanilang bahay. Nakita ko ang isang lubhang kawili-wili at kaakit-akit na aklat sa kaniyang istante ng aklat. Nagkainteres ako sa pamagat​—Is There a Creator Who Cares About You?​—ngunit lalung-lalo na sa larawan ng pabalat. Ako ay isang guro ng pisika at astronomiya. Nang tingnan ko ang aklat, napahanga ako sa dami ng impormasyong nilalaman nito. Sa loob ng tatlong henerasyon, hindi pinag-uusapan sa aming pamilya ang tungkol sa relihiyon. Ang aking lola sa tuhod ay relihiyosa, ngunit ang aking lola ay isang Komunista, at sila (mga Komunista) ay hindi naniniwala sa isang Maylalang.

“Bilang guro ng astronomiya, kailangan kong sabihin sa mga bata ang tungkol sa iba’t ibang kuru-kuro hinggil sa pasimula ng uniberso. Binasa ko ang inyong aklat mula simula hanggang katapusan at pagkatapos ay nagpasiya akong sumulat sa inyo kalakip ang aking direksiyon. . . . Nanghiram pa nga ako ng Bibliya upang mabasa ko agad ang mga kasulatan.

“Maraming-maraming salamat sa aklat na ito! Marahil ay huli na ang liham ko, sapagkat ang aklat ay inilabas noon pang 1998, ngunit umaasa ako na posible pa ring tumanggap ng impormasyon mula sa inyo.”

Nalulugod kaming sabihin na kahit ikaw ay makahihiling ng isang kopya ng 192-pahinang aklat na ito kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyong inilaan o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Is There a Creator Who Cares About You?

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

[Picture Credit Line sa pahina 32]

J. Hester and P. Scowen (AZ State Univ.), NASA

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share