Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 12/8 p. 32
  • “Ang Pangarap na Paraiso”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ang Pangarap na Paraiso”
  • Gumising!—2002
Gumising!—2002
g02 12/8 p. 32

“Ang Pangarap na Paraiso”

Nakatanggap ng isang sulat ang sangay ng mga Saksi ni Jehova sa Papua New Guinea noong nakaraang taon mula sa isang mambabasa ng Gumising! na nakatira sa Lae, Lalawigan ng Morobe. Ganito ang paliwanag niya:

“Talagang aaminin ko na gumawa ako ng isang napakahusay na pasiya limang taon na ang nakalilipas (nang ako ay nasa Port Moresby), na basahin ang magasing Gumising! na inilathala ng inyong organisasyon. Bawat labas ay binabasa ko na sapol noong 1997. Punung-puno ng mga magasing Gumising! ang bahay ko.

“Marami akong natutuhan. Ang aking talasalitaan, ang pangkalahatang kaalaman, balarila, at ang kaunawaan ko tungkol sa Maylalang ay lumawak nang husto. Naging mas malawak ang pag-iisip ko, mas naging makonsiderasyon ako sa iba, at mas nakapagtutuon na ako ng pansin, at natutuhan kong mas pahalagahan ang mga halaman at hayop. Talagang inirerekomenda ko na basahin ng mas maraming tao ang Gumising! gayundin ang iba pa ninyong mga publikasyon.”

Ganito ang pagtatapos ng sumulat: “Naniniwala ako na kung ang lahat ng tao sa mundong ito ay naging mga Saksi ni Jehova, ang pangarap nating Paraiso ay talagang darating sa loob ng magdamag. Ipagpatuloy ninyo ang inyong mabubuting gawa.”

Binabanggit ng mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova ang pangako ng Bibliya na di-magtatagal at ang kasalukuyang sistema ng mga bagay na ito ay mahahalinhan ng isang bagong sanlibutan na pasasapitin ng Kaharian ng Diyos. Tinutukoy ng aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan ang Kahariang iyan bilang ang kasagutan sa mga problema ng sangkatauhan.

Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito na may 192 pahina para masuri mo mismo. Magagawa mo iyan kung pupunan mo at ihuhulog ang kasamang kupon sa direksiyon na inilaan o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share