Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g03 7/22 p. 32
  • Isang Sulat Mula sa Isang Mahal sa Buhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Sulat Mula sa Isang Mahal sa Buhay
  • Gumising!—2003
Gumising!—2003
g03 7/22 p. 32

Isang Sulat Mula sa Isang Mahal sa Buhay

Inihalintulad ng isang mambabasa mula sa New York ang aklat na Maging Malapít kay Jehova sa isang sulat mula sa isang mahal sa buhay, na nagpapaliwanag: “Ang bawat kabanata ay nakaaantig ng puso at nililipos ka nito ng pag-ibig para kay Jehova.” Ang sabi pa niya: “Ngayong malapit ko nang matapos ang aklat, gustung-gusto ko nang basahin ulit ito, gaya ng ginagawa mo sa isang sulat na nagmula sa iyong mahal sa buhay.” Isaalang-alang ang sinabi ng iba pa.

Isang mambabasa mula sa Kansas ang nagsabi: “Damang-dama ko na napapalapít ako sa ating makalangit na Ama. Nalilipos ng pag-ibig ang aking puso . . . Sabik na sabik akong makabasa nang higit pa tuwing umaga, at maraming ulit ko itong babasahing muli.”

Ganito ang sulat ng isang babae mula sa Maine: “Napakalaki ng nagawa nito para gawing higit na totoo si Jehova! Talagang nakaaaliw ang sinabi sa pahina 74: ‘Para sa mga namatay, wala nang mas ligtas na dako kundi ang pagiging nasa alaala ng Diyos.’” Ganito rin ang nadama ng isang sumulat mula sa Alaska: “Naantig talaga nito ang aking damdamin anupat napaluha ako.” Ang sabi pa niya: “Talagang babasahin ko ito at paulit-ulit akong sasangguni rito.”

Batid namin na gayundin ang iyong madarama kung babasahin mo ang aklat na ito. Kasunod ng tatlong panimulang mga kabanata, ang aklat ay hinati sa apat na seksiyon na pinamagatang ‘Malakas ang Kapangyarihan,’ “Maibigin sa Katarungan,” “Marunong sa Puso,” at “Ang Diyos ay Pag-ibig.” Nagtatapos ito sa kabanatang “Lumapit Kayo sa Diyos, at Lalapit Siya sa Inyo.”

Maaari kang humiling ng aklat na ito na may 320 pahina at malambot na pabalat kung pupunan mo ang kasamang kupon at ihuhulog sa adres na ibinigay o sa isang angkop na adres sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Maging Malapít kay Jehova.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share