Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 4/22 p. 31
  • Dapat ba Nating Gamitin ang Pangalan ng Diyos?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dapat ba Nating Gamitin ang Pangalan ng Diyos?
  • Gumising!—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pangalan ng Diyos at ang mga Tagapagsalin ng Bibliya
    Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman
  • Ano ang Pangalan ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
  • Pangalan ng Diyos
    Gumising!—2017
  • Jehova
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 4/22 p. 31

Dapat ba Nating Gamitin ang Pangalan ng Diyos?

NOONG 1902, iniulat ng The Presbyterian and Reformed Review ang hinggil sa paglalathala ng 1901 American Standard na bersiyon ng Bibliya, isang rebisyon ng King James Version noong ika-17 siglo. Sa artikulo nito, sinabi ng babasahin ang hinggil sa kawastuan ng palaging paggamit sa pangalan ng Diyos, na Jehova, sa Bibliyang Ingles:

“Hindi namin maunawaan kung paano maaaring magkaroon ng anumang di-pagkakasundo kung tungkol sa kawastuan ng hakbang na ito. Ito ang personal na pangalan ng Panginoon, na pinili Niya upang ipakilala sa Kaniyang bayan: para sa amin, waring napakalaki ng pinsalang maidudulot ng pagpapalit sa personal na pangalan tungo sa Kaniyang naglalarawang titulo. Tiyak na may mga pagtatalo hinggil sa tunay na anyo ng pangalan, at walang naniniwala na ‘Jehovah’ [Jehova sa Tagalog] ang tunay na anyo nito. Subalit sa nagbabasa ng wikang Ingles, taglay ng pangalang ito ang tunay na anyo; at ang labis na pagkabahala lamang sa mga tuntunin ang dahilan kung bakit hinalinhan ito ng Yahwé o ng iba pang anyo na may iba’t ibang antas ng di-kawastuan na ginagamit ngayon ng mga manunulat na iskolar. Naniniwala kaming lubhang kapaki-pakinabang para sa nagbabasa ng Matandang Tipan sa wikang Ingles na makita niya nang malinaw sa kauna-unahang pagkakataon ang ‘Jehovah’ sa kilalang bersiyon anupat malaman ang kahulugan ng ‘Jehovah’ at kung ano ang ginawa Niya para sa Kaniyang bayan.”

Maraming iba pang mga salin ng Bibliya sa wikang Ingles ang gumagamit ng “Jehovah” o ng iba pang anyo ng pangalan ng Diyos. Sa katulad na paraan, masusumpungan ang personal na pangalan ng Diyos sa maraming salin ng Bibliya na hindi Ingles, gaya ng mga halimbawa na makikita sa pahinang ito. Sinabi ng Diyos kay Moises hinggil sa kaniyang pangalan na Jehova: “Ito ang aking pangalan hanggang sa panahong walang takda, at ito ang pinakaalaala sa akin sa sali’t salinlahi.” Kaya, tiyak na walang kuwestiyon hinggil sa kawastuan ng paggamit sa pangalan ng Diyos sa ngayon!​—Exodo 3:13-15.

[Mga larawan sa pahina 31]

Ang Awit 83:18 gaya ng paglitaw nito sa iba’t ibang wika

Tsonga

Shona

Vietnamese

Kastila

Hindi

Tagalog

Ingles

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share