Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 4/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2004
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 4/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagbibinata o Pagdadalaga Salamat po sa serye na “Pagharap sa mga Hamon ng Pagbibinata o Pagdadalaga.” (Hulyo 8, 2004) Nagsimula akong magdalaga kamakailan at nagkaroon ako ng mga problemang bumagabag sa aking budhi. Sa tulong ng mga artikulong ito, tumanggap ako ng kinakailangang payo na tutulong sa akin na alalahanin ang aking Dakilang Maylalang. Umaasa po ako na sa aking pagdadalaga ay maiiwasan ko ang mga pasakit na dulot ng pagpapadaig sa sanlibutang ito.

R. R., Albania

Noong bata pa po ako, marami akong kaibigan na kaedad ko. Pero habang nagkakaedad kami, hindi na kami nag-uusap. Pagkatapos ng mga pagpupulong Kristiyano, mauupo na ako sa kotse at hindi makikihalubilo sa kaninuman. Naginhawahan po ako nang mabasa ko na karaniwan lamang pala sa mga nagbibinata o nagdadalaga na makadama ng iba’t ibang emosyon at na ang pinakamainam na paraan upang madaig ang kalungkutan ay ang pagpapakita ng interes sa iba​—pati na sa mga hindi mo kaedad. Nang araw na iyon sa pulong, nakipag-usap ako sa iba, anuman ang kanilang edad, at ito’y nagpaligaya sa akin.

M. K., Hapon

Ako po’y 15 taóng gulang, at kailangang-kailangan ko po ang impormasyong ito. Natulungan po ako ng mga kabataang sinipi sa artikulo na maunawaang hindi lamang ako ang nakararanas ng masasakit na damdamin at na maaaring daigin ang mga damdaming ito. Pinalakas at pinatibay ako nito!

L. R., Ukraine

Salamat sa seryeng ito. Nakaaaliw na malamang maaaring maharap ang nagbabago at nakalilitong yugtong ito sa buhay. Umaasa akong matutulungan ng mga artikulong ito ang iba pang mga kabataan na maharap ang yugtong ito ng buhay sa timbang na paraan.

R. V., Italya

Ito po ang mismong serye na hinahanap ko. Nakararanas ako ng mga positibo at negatibong damdamin, at kung minsan ay nakadarama ako ng labis na kawalang-kasiguruhan at kalungkutan. Lagi ko pong naiisip na ako ang may kasalanan kung kaya ganito ang nadarama ko. Subalit binanggit ng huling artikulo sa serye: “Nais ng Diyos na Jehova na maging maligaya ka​—talagang maligaya. Higit pa ang nasasangkot dito kaysa sa panlabas na anyo ng kasiyahan na nagkukubli lamang sa nadarama mong kahapisan.” Nang mabasa ko po ang mga salitang ito, napaluha ako. Sinabi rin ng artikulo na balang-araw, lilipas din ang nakaliligalig na damdaming ito. Talagang nakaaliw ito sa akin. Nagkaroon ako ng panibagong lakas. Maraming salamat po!

H. T., Hapon

Nang makita ko po ang magasing ito sa Kingdom Hall, tiningnan ko agad ang mga pahina nito. Nang sinimulan kong basahin ito sa bahay, hindi ko ito maibaba. Gayunman, lungkot na lungkot ako nang sumapit ako sa huling bahagi ng artikulo, kasi ayaw kong matapos ito! Ipagpatuloy po ninyo ang pagsusulat ng mga artikulong tulad nito!

K. C., Estados Unidos

Mga Teklado Ako po’y 12 taóng gulang. Salamat po sa artikulong “Isang Daigdig ng Musika sa Dulo ng Iyong mga Daliri.” (Hulyo 8, 2004) Bumili ako ng isang aklat hinggil sa mga instrumento sa musika, na may mga paliwanag tungkol sa mga instrumentong may teklado. Ipinaliwanag nito ang mga detalye tungkol sa teklado subalit hindi kasinghusay ng paliwanag sa Gumising! Matagal na po akong naghahanap ng ganitong artikulo! Tunay na isang kamangha-manghang regalo mula sa ating Maylalang ang kakayahang tumugtog ng isang instrumento sa musika!

D. G., Alemanya

Panliligalig Kamakailan, binigyan ako ng isang Saksi ni Jehova ng magasin na tumatalakay sa serye hinggil sa “Biktima sa Trabaho​—Ano ang Magagawa Mo?” (Mayo 8, 2004) May kakilala ako na nagbitiw sa kaniyang trabaho dahil sa pananakot (panliligalig) sa pinagtatrabahuhan. Sa Alemanya, kailangan mo pang maghintay nang tatlong buwan bago tumanggap ng benepisyo dahil sa kawalan ng trabaho. Ginawa ko ang lahat ng magagawa ko upang tulungan ang binatang ito. Subalit sa tulong ng inyong magasin, na inilakip ko sa isang liham sa tanggapan ng pagtatrabaho, nakuha ng binatang ito ang kaniyang mga benepisyo pagkaraan lamang ng tatlong araw!

R. S., Alemanya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share