Kaaliwan Para sa mga Namimighati
◼ Naglalaan ng kaaliwan para sa mga namimighati ang makulay na 32-pahinang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Matutulungan nito ang mga namimighati upang maunawaan at makayanan ang damdaming nadarama pagkamatay ng isang mahal sa buhay. At tinatalakay ng isang seksiyon ng brosyur kung paano makatutulong ang iba sa mga namimighati.
Sinasagot ng brosyur ang mga tanong na tulad ng: Paano ko mapagtitiisan ang aking pagdadalamhati? Ano ang pag-asa ng mga namatay? Tinatalakay nito ang paliwanag ng Bibliya tungkol sa kamatayan at kalagayan ng mga patay. At mas mahalaga pa rito, itinatampok nito ang pangako ng Diyos, sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, na pagkabuhay-muli sa nilinis na paraisong lupa.
Ikaw o ang isang kakilala mo ay maaaring maaliw sa pagbabasa ng brosyur na ito. Pinasisigla ka naming humiling ng sarili mong kopya.
Upang makahiling ng isang kopya, punan lamang ang kupon na ito at ihulog sa koreo sa adres na inilaan o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.