Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 9/22 p. 31
  • Mabisang Pagpapatotoo sa Paaralan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mabisang Pagpapatotoo sa Paaralan
  • Gumising!—2005
Gumising!—2005
g05 9/22 p. 31

Mabisang Pagpapatotoo sa Paaralan

Mula sa manunulat ng Gumising! sa Mexico

NANG magsimula ang pasukan sa paaralan, determinado si Daniel, 17-pitong-taóng gulang na kabataan, na ipakilala ang kaniyang sarili bilang Saksi ni Jehova sa kaniyang bagong mga kaklase. Nabuksan ang pagkakataon nang hilingan ng kaniyang guro sa Ingles ang klase na kapanayamin nila ang isang banyaga na ang katutubong wika ay Ingles. Ang layunin ng proyekto ay pumunta sila sa mga lugar na madalas pasyalan ng mga turista sa Mexico City, makipanayam, at magdala ng rekording nito sa klase.

Ipinasiya ni Daniel na kapanayamin ang isang misyonero na nagsasalita ng Ingles at nagtatrabaho sa punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Mexico at, kasabay nito, kumuha ng video sa wikang Ingles habang naglilibot sa pasilidad. Bukod dito, naghanda siya ng eksibit ng iba’t ibang brosyur sa katutubong mga wika na inilalathala sa Mexico at ng Ang Bantayan at Gumising! sa iba’t iba pang wika. Pagkatapos ay humingi si Daniel ng pahintulot sa kaniyang guro sa Ingles na ipalabas ang video at ipakita ang eksibit sa klase.

Namangha ang kaniyang mga kaklase at guro sa gawain ng mga Saksi ni Jehova sa Mexico. Napahanga ang mga tagapakinig ni Daniel lalo na sa pagsisikap ng mga Saksi na mapaabutan ng mensahe ang mga katutubo sa Mexico.

Pagkatapos ng 25-minutong presentasyon, na siyang nabigyan ng pinakamataas na marka, nag-alok si Daniel ng mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! sa lahat, pati na ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas. Marami ang tumanggap ng literatura, at binuksan nito ang daan para sa higit pang talakayan sa Bibliya. Sinabi ni Daniel: “Nagpapasalamat ako kay Jehova dahil naparangalan ko ang kaniyang pangalan sa pamamagitan ng simpleng takdang-aralin sa paaralan.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share