Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 12/8 p. 32
  • Nasariwa ang Mahahalagang Alaala

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nasariwa ang Mahahalagang Alaala
  • Gumising!—2005
Gumising!—2005
g05 12/8 p. 32

Nasariwa ang Mahahalagang Alaala

Nang matanggap ng isang babae ang aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro, ipinasiya niyang dalhan ng kopya ang kaniyang may-edad nang ate. Ang kaniyang ate, na mahigit nang 83 anyos, ay may sakit na Alzheimer’s. Pero sa loob ng 70 taon, masigasig siyang estudyante at guro ng Bibliya. Subalit madali na niyang nalilimutan ang mga bagay na nangyayari at halos hindi na siya nakikipag-usap.

“Noong unang araw,” ang sabi ng nakababatang kapatid niya, “ipinaliwanag ko na dinisenyo ang aklat para tulungan ang mga magulang na ikintal sa kanilang mga anak ang mga simulain at turo ng Bibliya at gusto kong basahin iyon sa kaniya. Hindi siya umimik. Pero nang magsimula na akong magbasa, bigla siyang sumigla at sinasagot niya ang lahat ng tanong na binabasa ko. May mga pagkakataon habang sinisipi ko ang isang teksto, saulado niyang idinurugtong ang kasunod na mga salita​—ayon nga lamang sa King James Version, na natatandaan niya mula sa kaniyang kabataan. Paminsan-minsan, hahawakan niya ang braso ko habang inilalahad ko ang isang kuwento sa Bibliya at sasabihin niya, ‘Natatandaan ko iyan!’

“Sa dulo ng dalaw namin​—nang mabasa ko na sa kaniya ang mahigit sa kalahati ng aklat​—sinabi niyang gusto pa niyang marinig ang kasunod na kuwento. Ipinagpatuloy ng kaniyang asawa, na nag-aasikaso sa lahat ng kaniyang pangangailangan, ang pagbabasa sa kaniya ng natitira pang bahagi ng aklat. Natulungan ako ng karanasang ito sa ate ko na matanto ang kahalagahan ng pagbabasa ng gayong mga publikasyon sa mga may-edad na at mahihina ang kalusugan.”

Gustung-gusto ng mga bata’t matatanda ang aklat na ito na may magagandang ilustrasyon at 256 na pahina na kasinlaki ng magasing ito. Bagaman simple ang pagkakalahad ng mga aral na batay sa mga turo ni Jesu-Kristo, ang mga paksa ay para sa lahat anuman ang edad. Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na inilaan o sa isang angkop na adres na nasa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng Matuto Mula sa Dakilang Guro.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share