Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 3/06 p. 32
  • Ang Pinakamahalagang Petsa sa Kasaysayan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pinakamahalagang Petsa sa Kasaysayan
  • Gumising!—2006
Gumising!—2006
g 3/06 p. 32

Ang Pinakamahalagang Petsa sa Kasaysayan

Ito ang petsa ng kamatayan ni Jesu-Kristo. Bakit napakahalaga ng kamatayan ni Jesus? May ilang dahilan.

Ang katapatan ni Jesus hanggang kamatayan ay nagpatunay na makapananatiling tapat sa Diyos ang isang tao.

Ang kamatayan ni Kristo ay nagbigay rin ng pagkakataon sa ilan mula sa sangkatauhan na maging kasama niyang tagapamahala sa langit. Bukod diyan, nagbukas ito ng daan upang marami pa ang mabuhay nang walang hanggan sa paraiso sa lupa.

Noong gabi bago siya mamatay, gumamit si Jesus ng tinapay na walang lebadura at ng pulang alak bilang mga sagisag ng kaniyang maibiging hain bilang tao. At sinabi niya sa kaniyang mga alagad: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.” (Lucas 22:19) Aalalahanin mo ba ang mahalagang okasyong ito?

Malugod kang inaanyayahan ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang pagdiriwang ng Memoryal ng kamatayan ni Jesus. Ang petsa ng pagdiriwang sa taóng ito ay sa Miyerkules, Abril 12, pagkalubog ng araw. Maaari kang dumalo sa Kingdom Hall na pinakamalapit sa inyong bahay. Pakisuyong itanong sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar ang eksaktong oras at lokasyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share