Pagdaig ng mga Tin-edyer sa Panlulumo
SA ISANG paaralan sa Mexico, hinilingan ang mga estudyante sa isang klase na nag-aaral ng Ingles na maghanda ng isang paksang ihaharap nila sa klase. Ganito ang paliwanag ni Maritza: “Matagal-tagal din akong nanlumo noon, at ang serye ng mga artikulo na pinamagatang ‘Tulong Para sa Nanlulumong mga Tin-edyer,’ sa Gumising! ng Setyembre 8, 2001, ay nakatulong sa akin. Kaya ginamit ko ang impormasyon sa magasing ito, at nakakuha ako ng mataas na marka. Pagkatapos, binigyan ko ng kopya ng seryeng iyon ang mga estudyante at guro.”
Pagkalipas ng dalawang taon, habang nakikibahagi sa ministeryong Kristiyano, nakausap ni Maritza ang isang estudyante na nag-aaral din ng Ingles sa paaralang iyon. Nagulat si Maritza nang ipakita sa kaniya ng estudyante ang isang kopya ng serye ng Gumising! hinggil sa panlulumo ng mga tin-edyer. Waring talagang nagustuhan ng guro ng estudyante ang seryeng ito, anupat binigyan niya ng tig-iisang kopya ang lahat ng kaniyang estudyante!
Maaari kang makakuha ng higit na impormasyon hinggil sa panlulumo ng mga tin-edyer sa aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. Mababasa rin sa aklat na ito ang mga kabanatang “Bakit Ayaw Ko sa Aking Sarili?,” “Bakit Gayon na Lamang ang Aking Panlulumo?,” at “Paano Ko Maiwawaksi ang Aking Kapanglawan?” Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.