Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 8/08 p. 32
  • Tulong sa Panahon ng Pamimighati

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulong sa Panahon ng Pamimighati
  • Gumising!—2008
Gumising!—2008
g 8/08 p. 32

Tulong sa Panahon ng Pamimighati

◼ Isang babae ang namatayan ng ama nang siya ay 12 anyos pa lamang. Maraming taon siyang nakipagpunyagi sa kabalisahan at panlulumo. Sa liham na ipinadala niya sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Canada, ipinaliwanag niya:

“Nakadama lang ako ng kaaliwan nang mabasa ko ang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Natulungan ako nito na makayanan ang pamimighati. Naiiyak pa rin ako kapag naaalaala ko ang tatay ko. Pero matapos akong magbulay-bulay, manalangin, at mapaluha habang binabasa ang brosyur at ang mga teksto rito, hindi na ako masyadong nalulungkot gaya ng dati at nakasumpong na rin ako ng kaaliwan sa mga pangako ng Diyos.

“Lubha kong pinahahalagahan ang mga pampatibay-loob at teksto sa mga pahina ng brosyur dahil nakatulong ang mga ito para maibsan ang kirot na nadarama ko. Kaya ko nang harapin muli ang buhay. Inirerekomenda ko ang brosyur na ito bilang ang pinakamabisang tulong sa panahon ng pamimighati.”

Namatayan ka na ba ng isang mahal sa buhay? Nagdadalamhati ka pa ba hanggang ngayon? Kailangan mo ba ng tulong para makayanan ang iyong pamimighati? Ano ang sinasabi ng Bibliya na pag-asa ng mga patay? Marahil ikaw o isang kakilala mo ay maaaliw sa pagbabasa ng 32-pahinang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. Maaari kang humiling ng isang kopya ng brosyur na ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na ipinakikita rito.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share