Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 8/08 p. 8-9
  • Kanino Nakasalalay ang Kinabukasan ng Lupa?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kanino Nakasalalay ang Kinabukasan ng Lupa?
  • Gumising!—2008
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Sino ang Makapagbibigay ng Magandang Kinabukasan sa Lupa?
  • “Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng mga Bagay”
    “Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng mga Bagay”
  • Haring Ginagabayan ng Espiritu ng Diyos​—Para sa Iyong Kapakinabangan!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Ang Pananampalataya at ang Iyong Kinabukasan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Ang Daan Pauwi sa Paraiso
    Gumising!—1997
Iba Pa
Gumising!—2008
g 8/08 p. 8-9

Kanino Nakasalalay ang Kinabukasan ng Lupa?

“ANG pag-init ng globo ang pinakamatinding hamon na napapaharap sa sangkatauhan,” ang sabi ng Oktubre 2007 na edisyon ng magasing National Geographic. Sinabi nito na kung gusto nating malutas ang problemang ito, kailangan tayong “kumilos agad at maging determinado​—at maging responsable, na bihirang makita sa atin bilang isang lipunan o indibiduwal.”

Kaya ba talaga nating maging responsable? Ang totoo, maraming hadlang. Nariyan ang kawalan ng malasakit sa ibang tao, kasakiman, kawalang-alam, makasariling motibo, pagkakamal ng kayamanan sa papaunlad na mga lupain, at ang mentalidad ng milyun-milyong tao na mamuhay ayon sa kanilang nakasanayan, na dahilan kung bakit malaki ang nakokonsumong enerhiya.

Sinasabi sa atin ng isang sinaunang propeta ng Diyos ang katotohanan hinggil sa kakayahan ng tao na lutasin ang mga problema sa moral, sa lipunan, at sa pamahalaan. Isinulat niya: “Ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.” (Jeremias 10:23) Kitang-kita sa kasaysayan na totoo ang mga salitang ito. At sa ngayon, bagaman malaki ang naging pagsulong ng siyensiya at teknolohiya, napapaharap tayo sa mga panganib na hindi natin sukat-akalaing darating sa atin. Kung gayon, makaaasa ba tayo sa isang mas magandang kinabukasan?

Totoo, madalas na pag-usapan ang isyu hinggil sa pagbabago sa klima at sa mapaminsalang mga epekto nito, subalit halos wala naman talagang nagagawa para malutas ito. Halimbawa, ano ang reaksiyon ng mga bansa noong 2007 nang sa kauna-unahang pagkakataon ay makadaan na ang mga barko sa Northwest Passage? Ganito ang sagot ng editoryal ng magasing New Scientist: “Nagkandarapa sila sa pag-uunahan para maangkin ang mga bahagi ng kontinente na mapagkukunan nila ng maraming langis at gas.”

Halos 2,000 taon na ang nakalilipas, tumpak na inihula ng Bibliya na darating ang panahon na ‘ipapahamak ng tao ang lupa.’ (Apocalipsis 11:18) Maliwanag, kailangan ng daigdig ng isang marunong at makapangyarihang lider na may kakayahang isakatuparan ang kaniyang mga layunin at ng mga sakop na susunod sa kaniya. Kaya ba itong gawin ng isang mahusay na pulitiko o siyentipiko gaanuman kataimtim ang kaniyang hangarin? Ganito ang sagot ng Bibliya: “Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga taong mahal, ni sa anak man ng makalupang tao, na sa kaniya ay walang pagliligtas.”​—Awit 146:3.

Sino ang Makapagbibigay ng Magandang Kinabukasan sa Lupa?

May iisang Lider lamang na matagumpay na makalulutas sa mga suliranin ng daigdig. Ganito ang inihula ng Bibliya hinggil sa kaniya: “Sasakaniya ang espiritu [ng Diyos na] Jehova, ang espiritu ng karunungan at ng pagkaunawa, ang espiritu ng payo at ng kalakasan, ang espiritu ng kaalaman at ng pagkatakot kay Jehova . . . Sa katuwiran ay hahatulan niya ang mga maralita, . . . at sa pamamagitan ng espiritu ng kaniyang mga labi ay papatayin niya ang balakyot.”​—Isaias 11:2-5.

Sino ang Lider na iyon? Walang iba kundi si Jesu-Kristo, na maibiging naghandog ng kaniyang buhay alang-alang sa atin. (Juan 3:16) Ngayong si Jesus ay isa nang makapangyarihang espiritu, binigyan siya ng karapatan at kapangyarihan ng Diyos na mamahala sa buong lupa.​—Daniel 7:13, 14; Apocalipsis 11:15.

Kuwalipikado si Jesus na mamahala sa lupa dahil mayroon siyang napakalawak na kaalaman hinggil sa paglalang ng Diyos. Taglay na niya ang kaalamang ito sa loob ng napakatagal na panahon, bago pa man siya naging tao sa lupa. Sa katunayan, nang lalangin ng Diyos ang pisikal na uniberso, si Jesus ang Kaniyang “dalubhasang manggagawa.” (Kawikaan 8:22-31) Isip-isipin ito: Si Jesus, ang isa na tumulong sa paggawa ng lupa at ng lahat ng nabubuhay na nilalang, ang mangunguna sa pagpawi ng mga pinsalang idinulot ng tao.

Sino ang magiging mga sakop ni Kristo? Sila ang maamo at matuwid na mga tao na nakakakilala sa tunay na Diyos, si Jehova, at sumusunod kay Jesu-Kristo bilang kanilang Tagapamahala. (Awit 37:11, 29; 2 Tesalonica 1:7, 8) Ayon kay Jesus, “mamanahin nila ang lupa” na gagawing paraiso.​—Mateo 5:5; Isaias 11:6-9; Lucas 23:43.

Paano ka mapapabilang sa mga tatanggap ng mga pagpapalang ipinangako ng Bibliya? Si Jesus mismo ang sumasagot: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.”​—Juan 17:3.

Oo, wari ngang nanganganib ang ating planeta, pero walang alinlangan na patuloy itong iiral para tahanan ng sangkatauhan. Sa kabaligtaran, ang talagang nanganganib ay ang mga taong patuloy na nagwawalang-bahala sa paglalang ng Diyos at ayaw magpasakop kay Jesu-Kristo. Kaya naman, hinihimok ka ng mga Saksi ni Jehova na kumuha ng kaalaman na umaakay sa buhay na walang hanggan.

[Kahon sa pahina 8]

LIMITASYON NG SIYENSIYA

Bagaman alam na alam ng milyun-milyong tao na nakapipinsala sa isip at katawan ang pag-abuso sa alak, paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at paninigarilyo, patuloy pa rin nila itong ginagawa. Hindi sila naniniwala na ang buhay ay sagradong kaloob mula sa Diyos. (Awit 36:9; 2 Corinto 7:1) Nakalulungkot, ang walang-takot sa Diyos na saloobin ding iyan ang isang dahilan ng pagkasira ng kalikasan. Hindi nila itinuturing ang lupa na kaloob mula sa Diyos.

Kung gayon, ano ang solusyon? Kaya ba itong lutasin ng siyensiya at sekular na edukasyon? Hindi. Yamang ang pagkasira ng kalikasan ay pangunahin nang dahil sa kawalan ng takot sa Diyos, kailangan ng mga tao na magkaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos. Ipinahihiwatig ng Bibliya ang katotohanang iyan. Kaya naman, nangangako ito na darating ang panahon na ang mga tao ay “hindi [na] mananakit o maninira man” sa planetang lupa dahil “mapupuno [ang lupa] ng kaalaman kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.”​—Isaias 11:9.

[Larawan sa pahina 8, 9]

Sa ilalim ng pamamahala ni Kristo, tutulong ang mga matuwid na gawing paraiso ang buong lupa

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share