Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 8/08 p. 30
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2008
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mararahas na Video Game sa Simbahan
  • Ninanakaw ang Pagkakakilanlan ng mga Bata
  • “Nawawalang” Nuklear na mga Missile
  • Masusukat ng mga Kalapati ang Antas ng Polusyon
  • Balahibo—Kamangha-manghang Disenyo
    Gumising!—2007
  • Nanganganib ba ang mga Naglalaro?
    Gumising!—2002
  • Nagpapaganda Lamang?
    Gumising!—2004
  • Paano Sila Nagkaroon ng Gayon Kagagandang Balahibo?
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—2008
g 8/08 p. 30

Pagmamasid sa Daigdig

◼ Noong 2007, mga 47 milyong Tsino ang dumanas ng kakapusan sa tubig na maiinom dahil sa pinakamatinding tagtuyot sa nakalipas na sampung taon. Samantala, 42 milyon ang sinalanta ng mga bagyo, at 180 milyon naman ang naapektuhan ng mga pagbaha.​—XINHUA NEWS AGENCY, TSINA.

◼ “Sa buong daigdig, tinatayang dalawampung porsiyento ng mga nagbuntis ang nagpalaglag noong 2003. Sa Europa, ang bilang naman ay mga tatlumpung porsiyento . . . [Sa] mga bansa ng dating Unyong Sobyet, . . . tinatayang 45% ng mga nagbuntis noong 2003 ang nagpalaglag.”​—BRITISH MEDICAL JOURNAL, BRITANYA.

Mararahas na Video Game sa Simbahan

“Daan-daang ministro at pastor, na desperadong makaengganyo ng mga kabataan na magsimba, ang inulan ng batikos dahil sa paggamit nila ng kakaibang panghikayat”​—ang “napakapopular” subalit “marahas na video game,” ang ulat ng The New York Times. Ang nasabing video game ay para lamang sa mga adulto. Sa larong ito, ang manlalaro, na gumaganap bilang isang sundalo, ay kailangang pumatay sa iba’t ibang paraan. Sa kabila ng mga pagbatikos, hindi pa rin napigilan ang ilang tagapag-organisa ng mga grupo ng mga kabataang Protestante na “maglagay sa kanilang mga kapilya ng maraming computer para mag-umpukan ang mga tin-edyer sa harap ng malalaking telebisyon at makipagbarilan,” ang sabi pa ng pahayagan.

Ninanakaw ang Pagkakakilanlan ng mga Bata

Sa ilang bansa, parami nang parami ang mga batang nabibiktima ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan (identity theft). Kaya maaaring mahirapan silang mangutang sa hinaharap at masira ang kaugnayan nila sa iba, ang sabi ng The Wall Street Journal. Ang ganitong krimen, na kadalasang kagagawan ng isang kapamilya, ay maaaring mailihim sa loob ng maraming taon. “Karaniwan na, nalalaman lamang ng mga tao na ilegal na ginagamit ang kanilang pangalan kapag nag-aaplay na sila ng trabaho, kumukuha ng lisensiya sa pagmamaneho, o umuutang ng pangmatrikula o pambili ng bahay,” ang paliwanag ng pahayagan. Mas maaga naman itong natutuklasan ng ilang biktima kapag siningil na sila ng isang kompanya sa nagkapatung-patong na utang na nakapangalan sa kanila.

“Nawawalang” Nuklear na mga Missile

Noong Agosto 30, 2007, isang eroplanong pambomba na B-52 ng U.S. Air Force ang lumipad sa Estados Unidos sa loob ng tatlo at kalahating oras na may kargang anim na nuklear na cruise missile na “di-sinasadyang naikabit sa pakpak ng eroplano,” ang ulat ng The Washington Post. Hindi napansin ng mga piloto na nagpalipad ng eroplano ni ng mga tauhan na nagkarga ng mga missile ang pagkakamaling ito. “Ang nakapagtataka, walang nakapansin sa pagkakamaling ito sa loob ng 36 na oras,” ang sabi ng pahayagan. Ayon sa ulat, “sinabi ng mga opisyal ng Air Force na ang mga missile ay hindi naman na-activate kaya hindi ito kailanman naging banta sa publiko.” Gayunpaman, sinabi ng isang komentarista: “Nakababahala pa rin ito.”

Masusukat ng mga Kalapati ang Antas ng Polusyon

Ipinakikita ng mga pag-aaral sa mga kalapati sa lunsod ng Jaipur na maaaring gamitin ang mga ibong ito upang masukat ang antas ng polusyon sa isang lunsod, ang sabi ng mga mananaliksik sa University of Rajasthan sa hilagang India. “Ang mga heavy metal na nasa kapaligirang tinitirhan ng mga ibon ay kumakapit sa balahibo ng mga ito, at nananatili rito kahit malagas na [ang balahibo],” ang paliwanag ng Gobar Times ng New Delhi, isang suplemento ng magasing Down to Earth. Yamang ang mga kalapati ay kadalasang nakatira lang sa isang lugar, ang antas ng cadmium, kromyum, copper, at tingga na kumapit sa balahibo ng mga ibong ito ay maaaring gamiting sukatan kung gaano katindi ang polusyon sa isang lugar.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share