Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 5/09 p. 32
  • Inirekomenda Ito ng Kaniyang Guro

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Inirekomenda Ito ng Kaniyang Guro
  • Gumising!—2009
Gumising!—2009
g 5/09 p. 32

Inirekomenda Ito ng Kaniyang Guro

◼ Saan makakakuha ng mabuting payo at patnubay ang mga kabataan? Nasiyahan ang 13-taóng-gulang na si Cheren, taga-Italya, sa pagbabasa ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas. Kamakailan, nagkaroon siya ng pagkakataong ibahagi ang kasiyahang iyon sa kaniyang mga kaklase.

“Nasa ikawalong grado ako,” ang paliwanag niya, “at pinag-uusapan namin sa klase ang mga problemang nararanasan ng mga nagbibinata at nagdadalaga. Isang araw, lumapit sa akin ang aking guro at sinabing nabalitaan niya na nakakatulong sa mga kabataan ang mga publikasyon natin. Tinanong niya ako kung puwede ko siyang dalhan ng ilang kopya ng literatura. Kaya binigyan ko siya ng aklat na Mga Tanong ng Kabataan.

“Pagkalipas ng ilang araw, ginamit niya sa klase ang aklat at isinentro ang talakayan sa kabanata 10 na may pamagat na ‘Gaano Kahalaga ang Hitsura?’ Nagbigay pa nga siya ng takdang-aralin batay sa ‘Mga Tanong Para sa Talakayan’ na nasa katapusan ng kabanata. Sinabi niya, ‘Napakaganda ng pagkakasulat sa aklat, sayang at wala kayong kopya.’

“Sinabi kong bibigyan ko ng kopya ang sinumang interesado, at 16 sa kaklase ko ang humiling nito. Nang dalhin ko ang mga aklat, ang mga estudyanteng hindi interesado sa simula ay nagbago ng isip at gusto na rin nilang kumuha!”

Ang aklat na Mga Tanong ng Kabataan ay may iba pang kabanata na pinamagatang “Bakit Gayon na Lamang ang Aking Panlulumo?,” “Papaano Ko Malalaman Kung Ito Nga’y Tunay na Pag-ibig?,” “Bakit Magsasabi ng Hindi sa Droga?,” at “Papaano Ko Mapipigil ang Aking Hilig sa Panonood ng TV?” Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share