Ebolusyon o Paglalang—Alin ang Tama?
◼ Noong 12 anyos si Aspen na taga-Mexico, hiniling ng kaniyang guro sa biology na ipaliwanag niya sa klase ng ikapitong grado kung bakit siya naniniwala sa paglalang at hindi sa ebolusyon. Naipaliwanag ito nang husto ni Aspen. Sinabi niyang ang bawat organismo ay perpekto ang pagkakadisenyo, na nagpapatunay na may isang disenyador at maylalang. Alam ng guro na geologist ang mga magulang ni Aspen, kaya sinabihan niya si Aspen na maghanda at magreport kung pinatutunayan nga ba ng mga fosil na totoo ang paglalang.
Kinabukasan, nagdala si Aspen ng ilang sampol na fosil at sinabi sa klase na batay sa mga fosil, walang indikasyon na unti-unting nagbago ang mga organismo. Ipinaliwanag din niya na ang bawat grupo ng mga fosil ay mula sa iba’t ibang yugto ng panahon, na kasuwato ng ulat ng Genesis tungkol sa mga araw ng paglalang.
Naroroon ang prinsipal at pinuri niya si Aspen dahil sa kaniyang paniniwala at sa mahusay na paliwanag tungkol sa paglalang. Sinabi ng guro sa biology na napakalohikal ng paglalang, samantalang ang ebolusyon ay kuwestiyunable. Pagkatapos ay binigyan ni Aspen ang prinsipal, ang kaniyang guro, at ang kaniyang mga kaeskuwela ng literatura tungkol sa mga katibayan ng siyensiya na sumusuporta sa paglalang.
Napag-isip-isip mo na ba kung may matibay na katibayan sa siyensiya na may isang Maylalang na umiiral at kung mayroon nga, may dahilan ba para maniwalang nagmamalasakit siya sa atin? Inaanyayahan ka naming basahin ang ipinakikita ritong magandang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? na may 256 na pahina.
Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.