Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 9/09 p. 28
  • Haligi sa Ibabaw ng Dagat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Haligi sa Ibabaw ng Dagat
  • Gumising!—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Dagat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Dagat na Patay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Silanganing Dagat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Dagat Asin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Gumising!—2009
g 9/09 p. 28

Haligi sa Ibabaw ng Dagat

◼ Nakakita ka na ba ng ipuipo sa ibabaw ng dagat? Noong Disyembre 25, 2005, isang ipuipo ang lumitaw malapit sa baybayin ng Tahiti. Ang mahabang imbudong ito ng paikut-ikot na hangin at tubig sa ibabaw ng dagat ay tumagal nang mga 30 minuto. Pagkatapos, unti-unti itong namuti at naglaho.

Ang ipuipo sa ibabaw ng dagat ay kadalasan nang mas mahina kaysa sa mga buhawi. Karaniwan nang tumatagal ito nang mga sampung minuto, bagaman may umaabot din naman nang isang oras. Dahil sa dagat nabubuo ang mga ito, kadalasan nang tiyempúhan lang kung mamataan ang mga ito. Kaya naman nahihirapan ang mga meteorologo na pag-aralan ang mga ipuipo sa ibabaw ng dagat. Ayon sa mga ulat, lumilikha ang mga ito ng malakas na ingay na parang hugong ng tren.

Ganito inilarawan ng isang salmista sa Bibliya ang hirap ng damdamin na pinagdaraanan niya: “Ang matubig na kalaliman ay tumatawag sa matubig na kalaliman sa lagaslas ng iyong mga bulwak ng tubig.” (Awit 42:7) Ipinahihiwatig ng ilang diksyunaryo na ang salitang Hebreo na isinaling “bulwak ng tubig” ay maaaring tumukoy sa ipuipo sa ibabaw ng dagat. Kung gayon, ang nadama ng salmista ay maihahalintulad dito. Sinabi niya na ang kaniyang kaluluwa ay “nanlulumo” at “nababagabag.” Pero nakakuha siya ng kaaliwan sa kaniyang Diyos. “Maghintay ka sa Diyos,” ang sabi niya sa kaniyang sarili, “sapagkat pupurihin ko pa siya bilang ang dakilang kaligtasan ng aking pagkatao at bilang aking Diyos.”​—Awit 42:11.

Gaya ng salmista, maaari din tayong makaranas ng mga problemang kasintindi ng ipuipo. Pero kung maghihintay tayo sa Diyos, siya ang magiging dakilang kaligtasan natin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share