Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 12/10 p. 20-21
  • Mas Marami Pang Malalakas na Lindol ang Inaasahan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mas Marami Pang Malalakas na Lindol ang Inaasahan
  • Gumising!—2010
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Marami Pa ang Inaasahan
  • Kung Paano Tinulungan ang mga Biktima ng Lindol
    Gumising!—1992
  • Hula 1. Lindol
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Pagsusuri sa Isang Lindol
    Gumising!—2002
  • Mga Lindol—Sunud-sunod na Paghihirap
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Iba Pa
Gumising!—2010
g 12/10 p. 20-21

Mas Marami Pang Malalakas na Lindol ang Inaasahan

MULA nang maimbento ang mga instrumentong nakakasukat ng lakas ng lindol, nakapagtala ang mga siyentipiko ng daan-daang malalakas na lindol. Ang mga tumatama sa mga lugar na malayo sa tinitirhan ng mga tao ay hindi gaanong napapansin at hindi na iniuulat ng media o kung iulat man ay pahapyaw lang. Sa kabilang banda, malaki ang nagiging pinsala kapag tumama ang lindol sa isang malaking lunsod. Ang dami ng namamatay at napipinsalang ari-arian ay depende sa kung gaano kalaki ang populasyon at kung gaano sila kahanda sa lindol.

Noong Enero 12, 2010, naranasan ng Haiti ang isa sa pinakamapangwasak na lindol sa kasaysayan kung ang pag-uusapan ay dami ng namatay at nawalang ari-arian. Pero hindi ito ang una ni ang tanging malakas na lindol na naganap sa taóng ito. Narito ang ilang lindol na naganap noong unang mga buwan ng 2010 na itinalang kasinlakas o mas malakas pa sa lindol na tumama sa kabisera ng Haiti.

Enero 3: 7.1 na Lindol, Solomon Islands

Ang malakas na lindol na ito, na itinala noong una na mas malakas pa sa 7.1, ay sinundan ng tsunami na “may taas na dalawa hanggang tatlong metro.” Sinabi ng isang opisyal para sa disaster management na si Loti Yates na kita mula sa eroplano sa itaas na “lubog sa baha ang isang nayon.” Ayon kay Yates, 16 na bahay ang nawasak at marami pang napinsala sa nayon ng Bainara sa Rendova Island.

Bago nito, nagkaroon ng pagyanig na 6.6. Marami ang naalarma at lumikas sa mga burol. Kaya nang sundan ito ng mas malakas na lindol, nakaligtas sila mula sa tsunami na tumama sa baybayin makalipas ang dalawang oras.

Pebrero 26: 7.0 na Lindol, Ryukyu Islands, Japan

Ang lindol na ito ay tumama nang 5:31 ng umaga, oras doon, 80 kilometro mula sa Naha, Okinawa, isa sa mga isla sa Ryukyu Islands ng Japan. Naglabas ng mga babala para sa tsunami, pero kinansela ito nang maglaon. Sinabi ng isang babae na mahigit 90 taon nang nakatira sa Okinawa na ito ang pinakamalakas na lindol na naranasan nila.

Pebrero 27: 8.8 na Lindol, Chile

Ang lindol na ito ang ikalima sa pinakamalalakas mula noong taóng 1900. Ang pinakamalakas sa mga ito ay sa Chile din tumama noong 1960​—may lakas na 9.4. Dahil sa lindol na ito, at sa lindol noong 1985 sa kabisera ng Chile na may lakas na 7.7, nagpatupad ang bansa ng mahigpit na pamantayan sa pagtatayo ng gusali.

Kaya iilang gusali lang sa Santiago at sa iba pang lunsod na tinamaan ng lindol sa taóng ito ang bumagsak. Pero libu-libo ang nasaktan at nawalan ng mga ari-arian. Mga 500 katao ang sinasabing namatay, halos kalahati nito ay dahil sa tsunami sa baybayin ng Chile.

Abril 4: 7.2 na Lindol, Baja California, Mexico

Ang lindol na ito ay tumama 18 kilometro mula sa Guadalupe Victoria sa Mexico, at 47 kilometro mula sa Mexicali. Liblib ang lugar na ito at kaunti lang ang nakatira. Pero naramdaman din ang malakas na pagyanig sa maraming lunsod at bayan sa Mexico at timog ng Estados Unidos.

Mayo 9: 7.2 na Lindol, Hilagang Sumatra, Indonesia

Ang lindol na ito sa ilalim ng dagat ay naganap sa katanghaliang-tapat, mga 217 kilometro mula sa pinakadulong hilaga ng Indonesia sa lunsod ng Banda Aceh. Maraming tao ang tumakbo palabas ng bahay at ayaw bumalik agad dahil sa takot. Pero walang naiulat na namatay.

Marami Pa ang Inaasahan

Batay sa dami ng lindol na yumanig sa ating planeta, makatuwirang sabihin na lilindol pa sa mga darating na taon. Deretsahang sinabi ng U.S. Geological Survey: “Magkakaroon pa ng malalakas na lindol gaya ng mga nangyari na noon.”

Kapansin-pansin ang komento ng isang editoryal sa diyaryo: “Wala na tayong magagawa sa mga lindol kamakailan . . . at ipinaaalaala lang nito sa atin ang limitasyon ng tao. Pero dapat pa rin tayong kumilos sa mga kasong may magagawa tayo . . . Gayunman, ipinakikita nito na dapat nating asahan na magkakaroon pa ng matitinding likas na sakuna na hindi natin kontrolado.”

Kaya tiyak na naaalaala ng mga seryosong nag-aaral ng Bibliya ang mga hula nito na partikular na bumabanggit sa lindol bilang isa sa mga pangyayaring bumubuo sa tanda ng mga huling araw ng sistemang ito ng mga bagay.​—Mateo 24:3, 7; Marcos 13:8; Lucas 21:11.

[Mapa sa pahina 20, 21]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Ilan sa lindol na naganap mula Enero hanggang Mayo na may lakas na 7.0 o higit pa

Mexico

Haiti

Chile

Japan

Indonesia

Solomon Islands

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share