Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g16 Blg. 2 p. 16
  • Pagtutok sa Ugnayan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagtutok sa Ugnayan
  • Gumising!—2016
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • INDIA
  • DENMARK
  • ESTADOS UNIDOS
  • Paghahanda Para sa Matagumpay na Pag-aasawa
    Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pagli-live-in?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Dapat Ba Kaming Magsama Bago Magpakasal?
    Tulong Para sa Pamilya
  • Tama Bang Maglive-in Muna Bago Magpakasal?
    Gumising!—2009
Iba Pa
Gumising!—2016
g16 Blg. 2 p. 16
Isang lalaki na nakikipagtalo sa isang babae

PAGMAMASID SA DAIGDIG

Pagtutok sa Ugnayan

Pagdating sa ugnayan, ang Bibliya ba ang una mong hinihingan ng payo, o baka naman ito ang huli? Tingnan kung paano maikukumpara ang karunungan noon sa natuklasan ngayon.

INDIA

Animnapu’t isang porsiyento sa mga kabataang edad 18 hanggang 25 ang naniniwalang “hindi na isang malaking isyu sa India” ang pakikipag-sex nang di-kasal, ayon sa isang surbey noong 2014. Isang doktor sa Mumbai ang nagsabi sa Hindustan Times na sa palagay niya, “ang pakikipagrelasyon ay hindi nangangahulugang nasa isip ng mga kabataan ang pag-aasawa. Ito man ay minsanang pakikipag-sex, karaniwang pakikipagrelasyon o pakikipag-live-in, hindi ito kailangang humantong sa pagpapakasal.”

PAG-ISIPAN: Ang mga sakit ba na naililipat sa pagtatalik at ang kirot ng damdamin ay mas iniuugnay sa pakikipag-sex bago ang kasal o pagkatapos ng kasal?—1 Corinto 6:18.

DENMARK

Kapag ang isa ay madalas makipagtalo sa mga kapamilya niya, nadodoble ang panganib na mamatay siya pagdating sa edad na 35 hanggang 50. Sa loob ng mahigit 11 taon, sinubaybayan ng mga mananaliksik sa University of Copenhagen ang halos 10,000 indibiduwal na nasa gayong mga edad. Natuklasan nilang mas malamang na maagang mamatay ang mga madalas makipagtalo sa malalapít sa kanila kaysa sa mga bihirang makipagtalo. Ayon sa isang awtor sa pag-aaral na ito, ang positibong pagharap sa mga álalahanín at problema at paglutas sa mga di-pagkakaunawaan ay “maaaring ituring na mahahalagang paraan para mabawasan ang maagang pagkamatay.”

SABI NG BIBLIYA: “Ang sinumang nagpipigil ng kaniyang mga pananalita ay nagtataglay ng kaalaman, at ang taong may kaunawaan ay malamig ang espiritu.”—Kawikaan 17:27.

ESTADOS UNIDOS

Ang mga “cyclical couple”—mga naghihiwalay at muling nagkakabalikan noong magkasintahan pa lang—ay mas malamang na magpasiyang subukan ang paghihiwalay sa unang limang taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, ayon sa isang kamakailang pag-aaral sa 564 na bagong kasal sa Louisiana. Mas malamang din na mag-away sila palagi at di-gaanong masiyahan sa kanilang pagsasama.

SABI NG BIBLIYA: “Ang pinagtuwang ng Diyos [sa pag-aasawa] ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao.”—Mateo 19:6.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share