Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g17 Blg. 2 p. 12-13
  • Pagbisita sa Spain

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagbisita sa Spain
  • Gumising!—2017
Gumising!—2017
g17 Blg. 2 p. 12-13
Ang Toledo, isang lunsod na dinarayo ng mga turista sa Spain

Kitang-kita sa Toledo ang kasaysayan at kultura ng Spain. Kinilala ito na isang World Heritage site noong 1986 at madalas itong dayuhin ng mga turista

MGA BANSA AT MGA TAO

Pagbisita sa Spain

Ang Spain na naka-highlight sa mapa

ANG Spain ay isang lupain na may pagkakasari-sari, sa tanawin man o sa mamamayan nito. Ang kalakhang bahagi nito ay taniman ng mga trigo, puno ng ubas, at punong olibo. Sa gawing timog nito, mga 14 na kilometro lang ng katubigan ang naghihiwalay sa Spain at sa kontinente ng Aprika.

Marami mula sa Fenicia, Gresya, at Cartago ang nandayuhan sa bansang ito na nasa timog-kanlurang bahagi ng Europa. Nang masakop ito ng mga Romano noong ikatlong siglo B.C.E., tinawag nila itong Hispania. Nang maglaon, nanirahan dito ang mga Visigoth at Moro, anupat iniwan ang kanilang minanang kultura.

Noong 2015, mahigit 68 milyon ang bumisita sa Spain. Dinarayo nila ito dahil sa magandang sikat ng araw at baybayin, pati na ang sining, kasaysayan, at arkitektura ng bansa. Nagugustuhan din ng maraming bisita ang mga pagkain dito. Karaniwang pagkain dito ang lamandagat, hamon, malapot na nilaga, salad, at gulay na niluto o nilagyan ng olive oil. Kilala rin sa buong daigdig ang kanilang omelet, paella, at tapas.

Ang Mariscada, karaniwang luto sa lamandagat sa Spain

Ang Mariscada ay isang karaniwang luto ng lamandagat

Dalawang mananayaw ng flamenco

Sayaw na flamenco

Palakaibigan at mababait ang mga taga-Spain. Mas marami ang nagsasabing Romano Katoliko sila kaysa sa mga talagang nagsisimba. Nitong nakaraang mga taon, maraming taga-Aprika, Asia, at Latin Amerika ang lumipat sa Spain. Gustong-gusto nilang pag-usapan ang tungkol sa kanilang relihiyon at kaugalian. Naging maganda ang resulta ng pakikipag-usap ng mga Saksi ni Jehova sa kanila at natulungan sila ng mga Saksi na malaman kung ano ang itinuturo ng Bibliya sa maraming paksa.

Noong 2015, mahigit 10,500 Saksi ang nagboluntaryong magtayo o mag-renovate ng 70 Kingdom Hall, ang tawag sa kanilang dako ng pagsamba. Naglaan ang munisipyo ng lupa para sa ilang proyektong ito. Para tulungan ang mga dayuhan, nagsaayos ang mga Saksi ni Jehova ng mga pulong sa mahigit 30 wika, bukod pa sa wikang Spanish. Noong 2016, mahigit 186,000 ang dumalo sa espesyal na okasyon ng mga Saksi ni Jehova bilang pag-alaala sa kamatayan ni Jesu-Kristo.

ALAM MO BA?

Ang Spain ang bansang may pinakamaraming produksiyon ng olive oil sa buong daigdig.

Ang Teide Peak sa Canary Islands, na may taas na 3,718 metro, ang pinakamataas na bundok sa Spain. Kung susukatin ito mula sa pinakasahig ng dagat, ito ang ikatlo sa pinakamataas na bulkan sa daigdig.

  • PANGUNAHING MGA WIKA: SPANISH, BASQUE, CATALAN, GALICIAN, AT VALENCIAN

  • POPULASYON: 46,439,000

  • KABISERA: MADRID

  • KLIMA: MULA SA NAPAKAINIT HANGGANG SA NAPAKALAMIG

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share