Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g17 Blg. 5 p. 14-15
  • Pagbisita sa Kazakhstan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagbisita sa Kazakhstan
  • Gumising!—2017
Gumising!—2017
g17 Blg. 5 p. 14-15
Astana, Kazakhstan

Lunsod ng Astana

MGA BANSA AT MGA TAO

Pagbisita sa Kazakhstan

Mapa ng Kazakhstan

ANG mga Kazakh ay karaniwan nang namumuhay bilang mga nomad, o nagpapalipat-lipat ng lugar. Hanggang sa ngayon, dinadala pa rin ng ilang pastol na Kazakh ang kanilang mga kawan sa iba’t ibang pastulan depende sa panahon. Kapag tag-araw, pumupunta sila sa matataas at malalamig na pastulan. At kapag malapit na ang taglamig, dinadala na nila ang kanilang mga kawan sa mababa at maiinit na kapatagan.

Ang ilang Kazakh naman ay naninirahan sa mga lunsod. Pero makikita sa marami nilang mga tradisyon, pagkain, at handicraft ang paraan ng pamumuhay ng kanilang mga ninuno bilang mga nomad. Ang mga Kazakh ay may mayamang pamanang mga tula, awit, at musika na tinutugtog gamit ang lokal na mga instrumento.

Ang yurt—naililipat na bahay ng mga nomad— ay naging simbolo ng taong may paggalang sa kalikasan. Mas gusto pa rin ng mga pastol ang yurt, at kapag may mga okasyon, kadalasang ginagamit ito ng mga Kazakh na nakatira sa lunsod. Komportableng tuluyan din ng turista ang mga yurt. Sa loob ng yurt, makikita ang iba’t ibang kasanayan ng mga babaeng Kazakh pagdating sa pagbuburda, paghahabi, at paggawa ng mga karpet.

Pamilyang nasa loob ng isang yurt

Loob ng yurt

Mahalaga sa mga Kazakh na taganayon ang kanilang mga kabayo. May mga 21 salitang Kazakh para sa kabayo, na bawat isa ay may sariling kahulugan. Mayroon ding mahigit 30 salita at pananalita para ilarawan ang kulay ng balahibo ng kabayo. Ang isang matikas na kabayo ay itinuturing na isang mamahalin at mahalagang regalo. Sa mga nayon, ang mga lalaki ay tinuturuan nang mangabayo kahit bata pa.

Ang karaniwang pagkain ng mga Kazakh ay laging may kasamang karne at hindi maanghang. Kasama sa kanilang paboritong inumin ang koumiss, na gawa sa gatas ng kabayo at sinasabing maganda sa kalusugan, at ang makrema at maasim-asim na shubat, na gawa naman sa gatas ng kamelyo.

Ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Almaty ay bukás para sa mga tour.

Snow leopard

Ang maiilap na snow leopard ay pumupunta sa kabundukan ng Kazakhstan kapag tag-araw

ALAM MO BA?

Mga 36 na iba’t ibang ligaw na tulip ang tumutubo sa Kazakhstan, at ang hugis ng tulip ang karaniwang disenyo sa tradisyonal na sining ng mga Kazakh.

Ang silangang bahagi ng Lake Balkhash sa Kazakhstan ay tubig-alat, samantalang ang kanlurang bahagi naman ay tubig-tabang.

Ang pagsasanay sa mga agila at sa iba pang ibong maninila ay popular pa rin. Mahusay ang mga Kazakh sa pagsasanay sa mga golden eagle—ang paborito nilang species.

Agila na may piring sa mata, at nakadapo sa kamay ng isang lalaki

Ang piring sa mata ng mga agila ay nakatutulong para hindi sila matakot sa tao

  • PANGUNAHING MGA WIKA: KAZAKH AT RUSSIAN

  • POPULASYON: 17,563,000

  • KABISERA: ASTANA

  • KLIMA: MAALINSANGAN KAPAG TAG-ARAW, MALAMIG AT MANIYEBE KAPAG TAGLAMIG

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share