Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 66
  • Jesebel—Masamang Reyna

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Jesebel—Masamang Reyna
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Pinarusahan ang Isang Napakasamang Reyna
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Jezebel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Nabot
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ngayon Na ang Panahon Para Kumilos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 66

KUWENTO 66

Jesebel​—Masamang Reyna

PAGKAMATAY ni Haring Jeroboam, bawa’t haring nagpuno sa 10 tribong kaharian ng Israel sa hilaga ay naging masama. Si Haring Ahab ang pinakamasahol. Alam mo ba kung bakit? Dahil sa asawa niya, ang masamang Reynang si Jesebel.

Si Jesebel ay hindi Israelita. Anak siya ng hari ng Sidon. Sumasamba siya sa huwad na diyos na si Baal at hinikayat si Ahab at maraming mga Israelita na sumamba rin dito. Napopoot si Jesebel kay Jehova at pinapatay ang marami sa kaniyang mga propeta.

Isang araw ay lungkot-na-lungkot si Haring Ahab. Kaya tinanong siya ni Jesebel kung bakit.

Sinabi sa kaniya ni Ahab: ‘Gusto ko sanang bilhin ang ubasan ni Nabot. Pero sinabi niya sa akin na hindi raw maaari.’

‘Huwag kang mag-alala,’ sabi ni Jesebel. ‘Kukunin ko iyon para sa iyo.’

Kaya nagkalat siya ng kasinungalingan tungkol kay Nabot. Sinabi ng mga tauhan niya na isinumpa raw ni Nabot ang Diyos at ang hari. Kaya, binato si Nabot hanggang mamatay.

Nang mabalitaan ni Jesebel na si Nabot ay patay na, sinabi niya kay Ahab: ‘Pumunta ka at kunin ang kaniyang ubasan.’ Hindi ba si Jesebel ay dapat parusahan dahil dito?

Kaya, dumating ang panahon, na isinugo ni Jehova si Jehu para parusahan siya. Nang mabalitaan ni Jesebel na dumarating si Jehu, nagpaganda siya nang husto. Pero nang makita ni Jehu si Jesebel sa bintana ng palasyo, sinabi niya sa mga lalaking kasama nito: ‘Ihagis siya!’ Sumunod ang mga lalaki, gaya ng makikita mo sa larawan. Kaya nahulog siya at namatay. Ganito nagwakas ang masamang Reynang si Jesebel.

1 Hari 16:29-33; 18:1-4; 21:1-16; 2 Hari 9:30-37.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share