Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 68
  • Dalawang Batang Nabuhay Uli

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dalawang Batang Nabuhay Uli
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Isang Halimbawa ng Pagsasakripisyo-sa-Sarili at Pagkamatapat
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Nakita ni Eliseo ang Maaapoy na Karo—Nakikita Mo Rin Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Batang Lalaki
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 68

KUWENTO 68

Dalawang Batang Nabuhay Uli

KUNG mamamatay ka, ano kaya ang madarama ng nanay mo kung mabubuhay ka uli? Maliligayahan siya nang husto! Pero mabubuhay pa ba ang isang taong namatay na? Nangyari na ba ito noong araw?

Tingnan mo ang mga nasa larawan. Ang lalaki ay si propeta Elias. Ang babae ay balo sa lunsod ng Sarepta, at ang bata ay anak niya. Isang araw, ang bata’y nagkasakit nang malubha, at namatay.

Kinuha ni Elias ang bata at pinahiga ito sa kama. Nagdasal siya: ‘O Jehova, buhayin mo uli ang bata.’ Kaya huminga uli ang bata! Pagkatapos ay sinabi ni Elias sa babae: ‘Buhay na ang anak mo!’ Kaya tuwang-tuwa ang ina.

Isa pang mahalagang propeta ni Jehova ay si Eliseo. Naging katulong siya ni Elias. Ginamit din ni Jehova si Eliseo para gumawa ng mga himala. Sa lunsod ng Sunem ay may isang babae na napakabait kay Eliseo. Ito ay may isang anak na lalaki.

Isang umaga, nang malaki na ang bata, bigla itong sumigaw samantalang nasa bukid: ‘Masakit ang ulo ko!’ Nang maiuwi na, ito ay namatay. Lungkot-na-lungkot ang ina. Agad-agad niyang sinundo si Eliseo.

Nilapitan ni Eliseo ang patay na bata at nanalangin siya kay Jehova. Di nagtagal at ang bata ay bumahin. Buhay na uli siya! Tuwang-tuwa ang kaniyang ina!

Napakarami nang tao ang namatay. Kaya malungkot ang mga kamag-anak at kaibigan nila. Pero may kapangyarihan si Jehova na bumuhay sa mga patay. Balang araw bubuhayin uli niya ang milyung-milyong mga tao.

1 Hari 17:8-24; 2 Hari 4:8-37.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share