Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • th aralin 14 p. 17
  • Idiin ang Pangunahing mga Punto

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Idiin ang Pangunahing mga Punto
  • Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Kaparehong Materyal
  • Itinampok ang mga Pangunahing Punto
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Paggawa ng Isang Balangkas
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Pagbuo ng Tema
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Pag-isipan Ulit ang Pangunahing mga Punto
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2024
Iba Pa
Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
th aralin 14 p. 17

ARALIN 14

Idiin ang Pangunahing mga Punto

Binanggit na teksto

Hebreo 8:1

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Tulungan ang mga tagapakinig na masundan ang tinatalakay mo, at gawing malinaw ang koneksiyon ng bawat pangunahing punto sa layunin at tema ng pahayag.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Magkaroon ng layunin. Isipin kung ang layunin ng pahayag mo ay magbigay ng impormasyon, mangumbinsi, o magpakilos sa mga tagapakinig, at iayon doon ang bubuoin mong pahayag. Siguraduhing lahat ng pangunahing punto ay makakatulong sa iyo na maabot ang layunin mo.

    Praktikal na tip

    Tanungin ang sarili: ‘Ano kaya ang mga posibleng itanong o hindi sang-ayunan ng mga tagapakinig tungkol sa paksang ito? Ano ang malamang na pagkakasunod-sunod ng mga tanong o pagtutol nila?’ Pagkatapos, iayon doon ang pagkakasunod-sunod ng mga punto mo para makasubaybay ang mga tagapakinig sa pagtalakay mo at maintindihan at matanggap nila ang impormasyong ibibigay mo.

  • Idiin ang tema ng iyong pahayag. Banggitin ang tema sa buong pahayag; ulit-ulitin ang mahahalagang salita ng tema o gumamit ng mga salitang kasingkahulugan ng mga ito.

  • Gawing simple at malinaw ang pangunahing mga punto. Piliin lang ang mga punto na may kaugnayan sa tema mo at maituturo mo nang epektibo sa loob ng itinakdang oras. Huwag tumalakay ng maraming pangunahing punto, sabihin nang malinaw ang bawat pangunahing punto, huminto sandali bago talakayin ang kasunod, at gawing malinaw ang paglipat mula sa isang pangunahing punto papunta sa kasunod.

    Praktikal na tip

    Puwede mong sabihin ang pangunahing mga punto sa introduksiyon para matulungan ang mga tagapakinig na masundan ang tinatalakay mo o sabihin ulit ang mga iyon sa konklusyon para matulungan silang matandaan iyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share