Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lff aralin 23
  • Bautismo​—Isang Napakagandang Goal!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bautismo​—Isang Napakagandang Goal!
  • Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • PAG-ARALAN
  • SUMARYO
  • TINGNAN DIN
  • Bautismo—Kahilingan Para sa mga Kristiyano
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Handa Ka Na Bang Magpabautismo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Pag-abot sa mga Kahilingan sa Kristiyanong Bautismo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
Iba Pa
Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
lff aralin 23
Aralin 23. Isang babae na binabautismuhan bilang Saksi ni Jehova; inilulubog ang buong katawan niya sa tubig.

ARALIN 23

Bautismo​—Isang Napakagandang Goal!

Printed Edition
Printed Edition
Printed Edition

Itinuro ni Jesus na dapat mabautismuhan ang mga Kristiyano. (Basahin ang Mateo 28:​19, 20.) Ano ang bautismo? At ano ang kailangang gawin ng isang tao para mabautismuhan siya?

1. Ano ang bautismo?

Ang salitang “bautismo” ay mula sa Griegong salita na nangangahulugang “ilublob,” o “ilubog,” sa tubig. Nang bautismuhan si Jesus, inilubog siya sa Ilog Jordan at ‘umahon siya sa tubig.’ (Marcos 1:​9, 10) Kaya kapag binautismuhan ang isang tunay na Kristiyano, dapat nakalubog ang buong katawan niya sa tubig.

2. Ano ang ipinapakita ng pagpapabautismo ng isang tao?

Kapag nagpabautismo ang isang tao, ipinapakita nito na inialay na niya ang buhay niya sa Diyos na Jehova. Paano ginagawa ang pag-aalay? Bago magpabautismo, sinasabi ng isang tao sa panalangin na gusto na niyang paglingkuran si Jehova habambuhay. Nangangako siya na si Jehova lang ang sasambahin niya at na uunahin niya sa buhay niya ang paggawa ng kalooban ng Diyos. “Dapat [na] niyang itakwil ang kaniyang sarili” at patuloy na sundin ang mga turo at halimbawa ni Jesus. (Mateo 16:24) Dahil sa pag-aalay at bautismo niya, nagkakaroon na siya ng mas malapít na kaugnayan kay Jehova at sa kaniyang mga kapuwa mananamba.

3. Ano ang kailangang gawin ng isang tao para mabautismuhan siya?

Bago ka mabautismuhan, mahalagang matuto ka tungkol kay Jehova at magkaroon ng pananampalataya sa kaniya. (Basahin ang Hebreo 11:6.) Habang dumarami ang kaalaman mo at tumitibay ang pananampalataya mo, mas lalo mong mamahalin si Jehova. Siguradong gusto mo ring sabihin sa iba ang tungkol sa kaniya at sundin ang mga pamantayan niya. (2 Timoteo 4:2; 1 Juan 5:3) Kung ‘nakakapamuhay nang karapat-dapat sa harap ni Jehova’ ang isang tao at ‘lubusan na niyang napapalugdan’ ang Diyos, puwede na siyang magpasiya na ialay ang buhay niya sa Diyos at magpabautismo.​—Colosas 1:​9, 10.a

PAG-ARALAN

Tingnan ang matututuhan sa bautismo ni Jesus at ang kailangang gawin para makapagpabautismo.

4. Matuto sa bautismo ni Jesus

Basahin ang Mateo 3:​13-17 para malaman ang mga detalye sa bautismo ni Jesus. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Sanggol pa lang ba si Jesus nang bautismuhan siya?

  • Paano siya binautismuhan? Winisikan lang ba siya ng tubig?

Sinimulang gawin ni Jesus ang mahalaga niyang atas mula sa Diyos pagkatapos niyang mabautismuhan. Basahin ang Lucas 3:​21-23 at Juan 6:38. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Pagkatapos ng bautismo ni Jesus, anong gawain ang inuna niya sa buhay niya?

5. Kaya mo ring magpabautismo

Sa simula, baka nahihirapan kang isipin na kaya mong mag-alay at magpabautismo. Pero habang nag-aaral ka ng Bibliya, mas magkakaroon ka ng kumpiyansa na gawin ang mahalagang desisyong ito. Tingnan ang ilang halimbawa. Panoorin ang VIDEO.

VIDEO: Kung Paano Magiging Kaibigan ni Jehova (1:​11)

Basahin ang Juan 17:3 at Santiago 1:5. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Ano ang makakatulong sa isang tao para maging handa siya sa bautismo?

A. Isang babae na nag-aalay ng kaniyang sarili sa Diyos sa panalangin. B. Ang babae ring iyon na binabautismuhan bilang Saksi ni Jehova; inilulubog ang buong katawan niya sa tubig.
  1. Sa pag-aalay, sinasabi natin kay Jehova na gusto natin siyang paglingkuran habambuhay

  2. Sa bautismo, ipinapakita natin sa mga tao na inialay na natin ang ating sarili sa Diyos

6. Nagiging bahagi tayo ng pamilya ni Jehova kapag nagpabautismo tayo

Kapag nabautismuhan tayo, bahagi na tayo ng nagkakaisang pamilya ni Jehova sa buong mundo. Iisa lang ang paniniwala at pamantayang sinusunod natin, saanman tayo nakatira at anuman ang pinagmulan o kalagayan natin sa buhay. Basahin ang Awit 25:14 at 1 Pedro 2:17. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Ano ang epekto ng bautismo sa kaugnayan ng isang tao kay Jehova at sa ibang mananamba Niya?

Mga larawan: Isang bautisadong sister na iniisip ang magandang kaugnayan niya sa mga kakongregasyon niya. 1. Sinasabi niya sa isang sister ang problema niya. 2. Inaalalayan niya ang isang may-edad nang sister. 3. Kumakain siya kasama ang mga kaibigan niya na iba-iba ang edad. 4. Nangangaral siya sa isang lalaki kasama ng isa pang sister. 5. Nagse-selfie siya kasama ang dalawang Saksi na iba ang lahi sa isang kombensiyon.

MAY NAGSASABI: “Hindi pa ako handang magpabautismo.”

  • Kung iyan din ang nararamdaman mo, sa tingin mo, mahalaga pa rin bang gawing goal ang magpabautismo?

SUMARYO

Itinuro ni Jesus na kailangang magpabautismo ang mga Kristiyano. Para magawa iyan, kailangan ng isang tao na magkaroon ng matibay na pananampalataya kay Jehova, sundin ang mga pamantayan niya, at ialay ang sarili kay Jehova.

Ano ang Natutuhan Mo?

  • Ano ang bautismo, at bakit ito mahalaga?

  • Ano ang kaugnayan ng pag-aalay sa bautismo?

  • Ano ang mga kailangang gawin para maialay ng isang tao ang sarili niya at magpabautismo?

Subukan Ito

TINGNAN DIN

Alamin ang ibig sabihin ng bautismo at ang mga maling akala tungkol dito.

“Ano ang Bautismo?” (Artikulo sa jw.org/tl)

Alamin ang puwedeng gawin para maihanda ang sarili sa bautismo.

“Ang Pagmamahal at Pagpapahalaga kay Jehova ay Umaakay sa Bautismo” (Ang Bantayan, Marso 2020)

Alamin kung bakit nagpabautismo ang isang lalaki.

“Gusto Nilang Alamin Ko Mismo ang Katotohanan” (Ang Bantayan, Pebrero 1, 2013)

Alamin kung bakit napakagandang goal ang pagpapabautismo at ang puwede mong gawin para maihanda ang sarili mo.

“Dapat Na Ba Akong Magpabautismo?” (Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2, kabanata 37)

a Kapag nabautismuhan ang isang tao sa dati niyang relihiyon, kailangan niya ulit magpabautismo. Bakit? Kasi hindi itinuturo ng relihiyong iyon ang katotohanan sa Bibliya.​—Tingnan ang Gawa 19:​1-5 at Aralin 13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share