MAHOL
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “sumayaw; uminog”; o, posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “tumugtog ng plawta”].
Isang tao na ang karunungan ng mga anak, bagaman malaki, ay hindi kapantay ng kay Haring Solomon. (1Ha 4:31) Minamalas ng ilan na ang katawagang “mga anak ni Mahol” ay nangangahulugang samahan ng mga manunugtog o mananayaw.—Ihambing ang Aw 150:4, kung saan ang gayunding salitang Hebreo ay isinaling “paikut-ikot na sayaw.”