Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Bar-Jesus”
  • Bar-Jesus

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bar-Jesus
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Elimas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Paulo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pafos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • “Masayang-masaya at . . . Napuspos ng Banal na Espiritu”
    ‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Bar-Jesus”

BAR-JESUS

[Anak ni Jesus].

Isang Judio mula sa Pafos sa pulo ng Ciprus noong unang siglo C.E., na “isang manggagaway, isang bulaang propeta.” (Gaw 13:6) Ang propesyonal na pangalan o titulong ginamit niya ay Elimas, na nangangahulugang “Manggagaway.”​—Tingnan ang ELIMAS.

Lumilitaw na hawak noon ni Bar-Jesus ang maimpluwensiyang posisyon bilang mahiko ng korte at tagapayo ni Sergio Paulo, ang Romanong proconsul sa Pafos. Yamang siya’y isang “saserdote” ng kulto ng panghuhula, natural lamang na kokontrahin ni Bar-Jesus ang Kristiyanismo. Sa pagnanais niyang maingatan ang kaniyang posisyon na malakas pagkakitaan, may-pagmamatigas niyang sinalansang ang pangangaral nina Pablo at Bernabe. Kaya, nang “may-pananabik na hinangad [ni Sergio Paulo] na marinig ang salita ng Diyos,” si Elimas ay “nagsimulang sumalansang sa kanila, na hinahangad na italikod sa pananampalataya ang proconsul.”​—Gaw 13:7, 8.

Nang magkagayon, tiningnan ni Pablo sa mata ang Satanikong manggagaway na ito, at nang siya ay “mapuspos ng banal na espiritu,” sinabi niya: “O taong punô ng bawat uri ng pandaraya at bawat uri ng kabuktutan, ikaw na anak ng Diyablo, ikaw na kaaway ng bawat bagay na matuwid, hindi mo ba titigilan ang pagpilipit sa matuwid na mga daan ni Jehova? Buweno, kung gayon, narito! ang kamay ni Jehova ay nasa iyo, at mabubulag ka, na hindi makakakita ng liwanag ng araw sa isang yugto ng panahon.” Kaagad-agad ay nabulag si Bar-Jesus. Pagkakita sa unang iniulat na himalang ito ni Pablo, ang proconsul ay ‘lubhang namangha sa turo ni Jehova,’ at agad niyang tinanggap ang mensahe at siya’y “naging mananampalataya.”​—Gaw 13:9-12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share