Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Zepat”
  • Zepat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Zepat
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Horma
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Simeon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Nakatalagang Bagay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Arad
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Zepat”

ZEPAT

[posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “manatiling nagbabantay”].

Isang maharlikang Canaanitang lunsod sa timugang bahagi ng teritoryo ng Juda. Lumilitaw na ito’y nasa T ng Arad, na binihag ng magkasanib na mga hukbo ng Juda at Simeon. (Huk 1:16, 17; ihambing ang Jos 15:30; 19:4.) Binago ang pangalan ng lunsod na ito at ginawang “Horma,” na nangangahulugang “Pagtatalaga sa Pagkapuksa.” Tulad ng iba pang mga lunsod ng mga Canaanita, ang lunsod na ito’y inilagay ni Jehova ‘sa ilalim ng pagbabawal’ at dapat italaga sa pagkapuksa. (Deu 7:1-4) Inilapat ng mga tribo nina Juda at Simeon ang mga kundisyon ng pagbabawal na iyon sa Zepat. Maaaring ang Zepat ang pangunahing Canaanitang lunsod ng distrito o lugar na iyon.​—Tingnan ang HORMA.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share