Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Hunyango”
  • Hunyango

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hunyango
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Sisne
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Bayawak
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Bayawak-buhangin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Datiles
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Hunyango”

HUNYANGO

[sa Heb., tin·sheʹmeth].

Ang pangalan ng reptilyang ito ay kasama sa “mga nagkukulupong nilalang” na “marumi” sa ilalim ng Kautusang Mosaiko. (Lev 11:29, 30) Ipinapalagay na ang pangalang ito ay hinalaw sa na·shamʹ, isang salitang-ugat na nangangahulugang ‘humingal.’ (Ihambing ang Isa 42:14.) Matapos ihambing sa wikang Arabe, iminumungkahi nina Koehler at Baumgartner ang kahulugang “sumisingasing.” (Lexicon in Veteris Testamenti Libros, Leiden, 1958, p. 1035) Bagaman hindi matiyak ang pagkakakilanlan nito, maaaring kumapit ang pangalang ito sa hunyango. Ang karaniwang Chamaeleo chamaeleon ay kalimitang nasusumpungan sa Ehipto at Palestina.

Ang hunyango ay isang tulad-bubuling reptilya na mabagal kumilos, nakatira sa mga puno at kilalá sa kakayahan nitong magbagu-bago ng kulay. Ang pagpapalit nito ng kulay ay pangunahin nang depende sa temperatura, tindi ng liwanag, at emosyon nito.

Sa Levitico 11:18, ang salitang Hebreo na ito ay ikinakapit din sa sisne na kabilang sa “maruming” mga ibon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share