Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Bozez”
  • Bozez

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bozez
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Sene
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Micmas(h)
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Geba
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • “Walang Balakid Para kay Jehova”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Bozez”

BOZEZ

Isa sa dalawang bato, o tulad-ngiping malalaking bato, na iniugnay sa tagumpay ni Jonatan laban sa mga Filisteo sa ulat ng 1 Samuel 14:4-14. Sa paghahanap ni Jonatan ng daang matatawiran upang salakayin ang himpilang Filisteo, nakita niya ang dalawang malalaking bato. Ang isa ay nasa H at nakaharap sa Micmash (kung saan nagkakampo ang mga Filisteo), at ang isa naman ay nasa T at nakaharap sa Geba. (1Sa 13:16; 14:5) Sa pagitan ng dalawang lunsod na iyon, ang Wadi Suweinit (Nahal Mikhmas) ay papalusong tungo sa Jordan at nagiging malalim na bangin ito na may napakatatarik na dalisdis sa gawing S ng mga lunsod. Itinuturing na ang dalawang malalaking batong ito ay nasa dako kung saan biglang lumiliko ang wadi, bagaman hindi tiyak kung saan ang eksaktong lokasyon ng malalaking batong ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share