BET-TAPUA
[Bahay ng [Puno ng] Mansanas].
Isang lunsod sa maburol na lupain malapit sa Hebron at bahagi ng manang teritoryo ng Juda. (Jos 15:20, 48, 53) Sinasabi ng ilan na ang pangalan nito ay kinuha sa Judeanong nagngangalang Tapua (1Cr 2:42, 43); gayunman, posible rin na pinangalanan itong Bet-tapua dahil malamang na maraming puno ng mansanas noon sa lugar na iyon. Sa ngayon ay ipinapalagay na ito ang makabagong Taffuh, mga 6 na km (3.5 mi) sa KHK ng Hebron.