Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Marka”
  • Marka

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Marka
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Noo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pakikipaglaban sa Dalawang Mabangis na Hayop
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
  • Nasa Sanlibutan Ngunit Hindi Bahagi Nito
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Ano ang Ibig Sabihin ng 666?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Marka”

MARKA

Sa gitna ng mga di-Israelita, ang mga hayop at pati ang mga alipin ay nilalagyan ng herong tanda bilang indikasyon ng pagmamay-ari. Sa kaso ng mga tao, ang gayong mga marka ng pagmamay-ari ay inilalagay sa isang hantad na dako ng katawan, gaya ng noo. Kung minsan, ipinakikilala ng mga tao na sila ay mga mananamba ng huwad na mga diyos sa pamamagitan ng paglalagay ng marka ng kanilang bathala sa kanilang noo. Gayunman, ipinagbawal ng kautusan ni Jehova sa Israel ang paglalagay ng nakasisirang mga marka ng tato sa mga tao. Nakatulong ito upang mahadlangan ang anumang idolatrosong mga gawain at nagturo ito ng kaukulang paggalang sa mga lalang ng Diyos.​—Lev 19:28; tingnan ang HERONG TANDA.

Makasagisag na Paggamit. Tinutukoy ng Kasulatan ang mga markang inilagay sa mga tao at binabanggit nito ang mga iyon sa makasagisag na diwa. Sa pangitain ni Ezekiel, isang lalaking may tintero ng kalihim ang inutusang pumaroon sa Jerusalem at ‘lagyan ng marka [sa Heb., taw] yaong mga nagbubuntunghininga at dumaraing dahil sa lahat ng karima-rimarim na bagay na ginagawa sa gitna nito.’ Ipinakikita ng pagkilos nilang ito na sila ay mga taong matuwid, mga lingkod na nauukol kay Jehova, at samakatuwid ay karapat-dapat ingatan kapag inilapat na ang kahatulan ni Jehova. Ang makasagisag na marka sa kanilang noo ang nagpapatunay sa bagay na ito.​—Eze 9; ihambing ang Eze 9:4, tlb sa Rbi8; 2Pe 2:6-8.

Samantala, sa pangitain ni Juan, ang mga taong tumatanggap ng marka (o, lilok) ng mabangis na hayop sa kanilang noo o sa kanilang kamay ay nakahanay sa pagkapuksa. Ang marka sa noo ay hayagang nagpapakilala sa kanila bilang mga mananamba ng mabangis na hayop at samakatuwid ay mga alipin nito. Sa gayo’y ipinakikita sila bilang mga sumasalansang sa Diyos, sapagkat tinanggap ng mabangis na hayop ang awtoridad nito mula sa dragon, si Satanas na Diyablo. Ang pagkakaroon ng marka sa kamay ay makatuwirang sumasagisag sa aktibong pagsuporta sa mabangis na hayop, yamang ang kamay ay ginagamit sa pagsasakatuparan ng gawain.​—Apo 13:1, 2, 16-18; 14:9, 10; 16:1, 2; 20:4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share