Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 4/1 p. 4-7
  • Isang Programa ng Pag-aaral sa Bibliya Para sa Lahat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Programa ng Pag-aaral sa Bibliya Para sa Lahat
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • SAGOT SA KARANIWANG MGA TANONG TUNGKOL SA AMING PROGRAMA NG PAG-AARAL SA BIBLIYA
  • Ano ang Pag-aaral sa Bibliya na Iniaalok ng mga Saksi ni Jehova?
    Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
  • Saan Makikita ang Sagot sa Mahahalagang Tanong sa Buhay?
    Saan Makikita ang Sagot sa Mahahalagang Tanong sa Buhay?
  • Paano Ko Mae-enjoy ang Pag-aaral ng Bibliya?
    Gumising!—2012
  • Nagustuhan mo ba ang mga natutuhan mo?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Introduksiyon sa Pag-aaral ng Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 4/1 p. 4-7
Isang pag-aaral sa Bibliya

TAMPOK NA PAKSA | GUSTO MO BANG MAG-ARAL NG BIBLIYA?

Isang Programa ng Pag-aaral sa Bibliya Para sa Lahat

Kilalang-kilala ang mga Saksi ni Jehova sa kanilang gawaing pangangaral. Ngunit alam mo bang nagsasagawa rin kami ng isang programa ng pag-aaral sa Bibliya sa buong daigdig?

Lalaking nakikipag-aral ng Bibliya sa lugar ng trabaho

Noong 2014, mahigit 8,000,000 Saksi sa 240 lupain ang nagsasagawa ng halos 9,500,000 pag-aaral sa Bibliya buwan-buwan.a Oo, mas marami pa ang nakikipag-aral ng Bibliya sa amin kaysa sa populasyon ng bawat isa sa mga 140 bansa!

Para maisagawa ang pagtuturong ito, ang mga Saksi ni Jehova ay naglalathala taon-taon ng halos isa at kalahating bilyong Bibliya, aklat, magasin, at iba pang pantulong sa pag-aaral ng Bibliya—sa mga 700 wika! Dahil sa walang-katulad na paglilimbag na ito, mapag-aaralan ng mga tao ang Bibliya sa wikang gusto nila.

“Wala akong hilig sa pag-aaral, pero masayang mag-aral ng Bibliya. Malaking tulong sa akin ang mga natututuhan ko!”—Katlego, South Africa.

“Nasagot ng pag-aaral sa Bibliya ang lahat ng tanong ko at ang iba pa.”—Bertha, Mexico.

“Sa bahay kami nag-aaral ng Bibliya, sa oras na kumbinyente sa akin. Ano pa ang mahihiling ko!”—Eziquiel, Brazil.

“Kung minsan, ang pag-aaral ay 15 hanggang 30 minuto lang—kung minsan naman mas mahaba—depende sa akin.”—Viniana, Australia.

“Walang bayad ang pag-aaral—ang galing!”—Aimé, Benin.

“Napakatiyaga at napakabait ng nagtuturo sa akin ng Bibliya. Naging malapít kami sa isa’t isa.”—Karen, Northern Ireland.

“Maraming nag-aaral ng Bibliya ang hindi naman nagiging Saksi.”—Denton, England.

SAGOT SA KARANIWANG MGA TANONG TUNGKOL SA AMING PROGRAMA NG PAG-AARAL SA BIBLIYA

Paano ginagawa ang pag-aaral?

Pumipili kami ng iba’t ibang paksa sa Bibliya at sinusuri ang mga talata sa Bibliya na nauugnay sa mga paksang iyon. Halimbawa, sinasagot ng Bibliya ang mga tanong na gaya ng: Sino ang Diyos? Anong uri siya ng Diyos? May pangalan ba siya? Saan siya nakatira? Maaari ba tayong mapalapít sa kaniya? Ang problema ay kung saan sa Bibliya hahanapin ang sagot.

Para tulungan ang mga tao na masumpungan ang sagot, karaniwan nang ginagamit namin ang 224-na-pahinang aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?b Ito ay pantanging dinisenyo para tulungan ang mga tao na maunawaan ang pangunahing mga turo ng Bibliya. May mga aralin ito tungkol sa Diyos, kay Jesu-Kristo, sa pagdurusa ng tao, pagkabuhay-muli, panalangin, at marami pang ibang paksa.

Kailan at saan maaaring gawin ang pag-aaral?

Ang pag-aaral ay maaaring gawin sa oras at lugar na kumbinyente sa iyo.

Gaano katagal ang bawat sesyon ng pag-aaral?

Marami ang naglalaan ng isang oras o higit pa linggo-linggo para pag-aralan ang Bibliya. Ang ilan naman ay 10 o 15 minuto lang bawat linggo. Puwede namin itong ibagay sa iskedyul mo.

Magkano ang bayad sa pag-aaral?

Wala itong bayad, pati na ang mga literaturang ginagamit dito. Kasuwato ito ng tagubilin ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Tinanggap ninyo nang walang bayad, ibigay ninyo nang walang bayad.”—Mateo 10:8.

Gaano ito katagal?

Depende iyan sa iyo. Ang aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? ay may 19 na aralin. Maaari ninyong talakayin ang isa o ang lahat ng aralin sa bilis na kaya mo.

Kailangan ko bang maging isang Saksi ni Jehova?

Hindi. Iginagalang namin ang karapatan ng bawat tao na pumili ng paniniwalaan niya. Pero ang natuto ng pangunahing kaalaman sa Bibliya ang magpapasiya ayon sa natutuhan niya.

Saan ako makakakuha ng higit pang impormasyon?

Ang website na jw.org ay naglalaan ng tumpak na impormasyon tungkol sa mga paniniwala at gawain ng mga Saksi ni Jehova.

Paano ako makare-request ng isang pag-aaral sa Bibliya?

  • Mga taong nagre-request ng pag-aaral sa Bibliya sa iba’t ibang paraan: sa Internet, sa sulat, at sa telepono

    Ipadala ang iyong request online sa www.jw.org/tl.

  • Sumulat sa adres na nasa pahina 2 ng magasing ito.

  • Makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova na malapit sa inyo.

a Ang pag-aaral sa Bibliya ay karaniwan nang isinasagawa sa mga indibiduwal o maliliit na grupo.

b Inilalathala ng mga Saksi ni Jehova. Mahigit 230 milyong kopya ng aklat na ito ang nailimbag na sa mahigit 260 wika.

TULONG PARA SA PAMILYA

Eziquiel

“Nang mag-aral ng Bibliya ang misis ko, ang laki ng ipinagbago niya. Mas gumanda ang pagsasama namin. Gusto kong malaman kung ano ang pinag-aaralan niya, kaya nag-aral din ako. Naging mas mabuting tao ako. Dahil sa pag-aaral ng Bibliya, naging mas malapít ang aming pamilya.”—Eziquiel.

Karen

“Nang mag-aral ako ng Bibliya, huminto na ako sa paggamit ng droga, pag-abuso sa alak, at natutuhan kong kontrolin ang aking galit. Naging mas malinis at maayos ang bahay ko. Lalo kong minahal ang aking pamilya at ginawa ang mga bagay na makapagpapaligaya sa kanila. Napakasaya ko.”—Karen.

Viniana

“Pinupuna ng ilan ang pag-aaral ko ng Bibliya. Pero sinuportahan ng mister ko ang aking desisyon. Sabi niya: ‘Wala akong pakialam sa sinasabi ng mga tao. Nakita kong malaki ang ipinagbago mo—iyan ang mahalaga sa akin. Ituloy mo lang ’yan.’ Mas masaya ang pamilya namin ngayon!”—Viniana.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share