Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w19 Disyembre p. 15
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Buhay Noon sa Paraiso?
    Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
  • Buhay Pagkatapos ng Kamatayan—Ano ang Paniniwala ng mga Tao?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Paghihimagsik sa Dako ng mga Espiritu
    Espiritu ng mga Patay—Maaari ba Nila Kayong Tulungan o Pinsalain? Talaga Bang Umiiral Sila?
  • Mayroon Ka Bang Imortal na Kaluluwa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
w19 Disyembre p. 15

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Nang sabihin ni Satanas kay Eva na hindi ito mamamatay kapag kumain ito ng bunga mula sa puno ng pagkaalam ng mabuti at masama, itinuturo ba niya kay Eva na may imortal na kaluluwa, gaya ng karaniwang pinaniniwalaan ngayon?

Tinukso ni Satanas si Eva sa pamamagitan ng ahas

Lumilitaw na hindi. Hindi sinabi ng Diyablo kay Eva na kapag kumain siya ng bunga na ipinagbabawal ng Diyos, magmumukha lang siyang namatay pero may di-nakikitang bahagi niya (ang tinutukoy ng ilan ngayon na imortal na kaluluwa) na patuloy na mabubuhay sa ibang lugar. Gamit ang ahas, sinabi ni Satanas na kung kakainin ni Eva ang bungang iyon, ‘tiyak na hindi siya mamamatay.’ Pinalitaw niya na magiging mas masaya pa ang buhay ni Eva sa lupa, dahil hindi na nito kailangan ang Diyos.​—Gen. 2:17; 3:3-5.

Kaya kung hindi nagsimula sa Eden ang maling turo na may imortal na kaluluwa, kailan ito nabuo? Hindi natin masasabi. Ang alam lang natin, lahat ng huwad na pagsamba ay napawi sa Baha noong panahon ni Noe. Walang maling paniniwala ang natira pagkatapos ng Baha dahil mga tunay na mananamba lang ang nakaligtas—si Noe at ang pamilya niya.

Kaya malamang na ang kasalukuyang paniniwala na may imortal na kaluluwa ay nabuo pagkatapos ng Baha. Nang guluhin ng Diyos ang mga wika sa Babel at nangalat ang mga tao “sa ibabaw ng buong lupa,” tiyak na dala-dala nila ang paniniwala na may imortal na kaluluwa ang mga tao. (Gen. 11:8, 9) Pero kailan man nagsimula ang maling paniniwalang ito, sigurado tayong si Satanas na Diyablo, ang “ama ng kasinungalingan,” ang nasa likod nito at natutuwa siyang marami ang nalinlang niya.​—Juan 8:44.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share